CHAPTER 2

486 11 1
                                    

ATHELA'S POV

Dumiretso na kami ni Rai sa classroom namin.At umupo na sa upuan namin. Magkatabi kami ni Rai kaya anytime pwede kaming magkwentuhan.

Oo nga pala sa South High kami nag-aaral. Sabi ko nga sa papa ko na kung pwede ba na sa ibang school na lang ako mag-aral kaso ayaw niya pumayag. Family friend kasi namin yung may-ari nitong school na to tapos kaibigan ko din ang anak nun si kuya JC.

Maya maya lang eh pumasok na rin si Aaron at umupo dun sa pinakadulo. Kahit naman babaero siya eh matalino pa rin siya. Infact he's running for valedictorian and me? wala simpleng estudyante lang. Si Rai naman ang running for salutatorian.

"Thel, ano nanaman naiisip mo?"

"Wala"

Hindi na kami nag-ingay kasi pumasok na yung teacher namin.

Nagturo ng kung anu-ano yung teacher namin at siyempre may ipinagagawa nanaman na project malapit na kasi ang finals namin eh. December na kasi ngayon at malapit na rin ang graduation tapos next week pasko na.

Nung natapos na ang mahaba-habang discussion eh nagrecess din naman na.

Pumunta naman kami ni Rai sa Canteen para kumain.

"Thel, san kayo magpapasko?" tanong ni Rai.

"Sa bahay lang busy sila Dad sa ibang bansa eh"

Yeah minsan lang kami nagpapasko ng magkakasama kasi busy si Daddy at ang mommy ko? Kasama na ni Lord.

"Ohhh gusto mo magpasko ka saamin para may kasama ka naman at maenjoy mo yung pasko?"

 "Thanks for the offer Rai but no. Walang kasama si Aaron sa bahay pag nagkataon noh!"

"Sus! siya nanaman ang iniisip mo? Paano naman sarili mo?"

"Naku Rai okay lang ako ano ka ba?"

"Psh! bakit kasi yang mga ninuno niyo pinauso yang kasalan na yan eh! pati ikaw nadamay!"

"Hhahahahahahaha!"

Natawa naman ako sa term niya na ninuno.

"Oh, here's the so-called fiancee of my BOYFRIEND" wow emphasized pa ang boyfriend ah?

"What do you want?" tanong ni Rai

"Rai wag mo na pansinin" bulong ko kay Rai

"Nothing, hahahahaha Pathetic Fiancee" tapos nagtawanan din yung ibang nakakarinig sa kanya.

"I know" tapos tumayo na ako at tumakbo hinabol naman ako ni Rai.

SADISTA KA MASOKISTA AKO BAGAY TAYO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon