CHAPTER 1

904 17 3
                                    

CHAPTER 1

"Athela! how many times do i have to tell you not to touch my things? Can't you understand a very simple rule?!"

"E-eh nilinis ko lang naman kasi yung kwarto mo baka kasi may mga ali- "

"Sasabihin ko kung may kailangan ako at magpapalinis ako! May  katulong tayo kaya di mo trabaho ang linisan ang kwarto ko!"

"S-sorry" tapos yumuko ako.

"Psh! aalis na ako nakakasira ka ng umaga!" binagsak niya yung pinto pagkalabas niya.

Ako nanaman ang may kasalanan. Masama bang linisin ang kwarto niya? Buti nga nilinis ko pa eh.

"Hay naku anak wag ka ng sumimangot dyan di ka pa ba sanay? Sige na pumasok kana din at baka mahuli ka pa sa klase mo."  Manang Linda said while comforting me.

Ako nga pala si Athela Gomez, 17 years old and  a senior student of South High. May grade 7 kami kaya seventeen na ako. I'm already engaged with Aaron Mendoza.

Ayaw niya sa kasunduang ito dahil ayaw niyang matali sakin. He despise me much. Isa siyang sadista  Lagi niya akong sinasaktan not physical but he's hurting me emotionally.

Aminin man natin sa hindi isa akong masokista. Hinahayaan ko lang siyang saktan ako kasi MAHAL KO SIYA. Oo mahal ko siya.

2nd year kami noon nung una ko siyang mapansin. Well who would'nt notice him eh sa gwapo ba naman niya at talino talagang mapapansin mo siya.

Isa rin siyang cassanova dahil every week may bago siyang babae. Hindi pa rin yun naging hadlang para magustuhan ko siya.

Kasa-summer pa lang namin nun at kae-end lang ng junior year namin eh tsaka palang namin nalaman na bata pa lang kami eh pinagkasundo na kami. Lolo at lola namin ni Aaron ang may pakana nito. Mahigpit na magkalaban ang pamilya namin sa business world. Kaya gumawa sila ng kasunduan na ipapakasal ang mga anak nila at kung hindi kailangan nilang i-give up ang buong business nila at ari-arian . Nagkataon naman na parehong lalaki ang mga anak nila kaya sa amin ito napasa. Kung hindi kami magpapakasal ni Aaron ang isa sa amin ay mawawalan ng buong yaman. One year after namin makagraduate ng college isasagawa ang kasalan

Nang una masaya ako kasi siya ang first love ko at nagkataon na kami pala ang ipapakasal sa isa't- isa. Ang akala ko matututunan niya akong mahalin pero hindi pala. Mas lalo pa niya akong kinamuhian. Kulang nalang ay itapon niya ako sa bermuda triangle para lang mawala sa tabi niya.

Marami ang nakakaalam na engage na kami dahil sa balita sa t.v , pero hindi ito naging hadlang para hindi mambabae si Aaron.

Simula nung pinagkasundo kami ay pinatira na kami sa iisang bahay.  two story ang bahay namin at magkaharap lang ang kwarto namin. Meron din kaming garden na pinalagyan ko ng duyan. Yung duyan na nakikita sa playground. Pag nasasaktan kasi ako at umiiyak dun ako tumatambay para walang makakita sa akin.

SADISTA KA MASOKISTA AKO BAGAY TAYO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon