CHAPTER 26: NICOLETTE

86 1 0
                                    

JACOB'S POV

Ngayon ko kailaangan si Nico. Pero tsaka siya wala. Kung kailan may ganito katinding nangyari, tsaka siya wala sa tabi ko. Nasaan na naman ba siya?! Naikuyom ko na naman ang kamay ko. Masyado nila kong kinakawawa, sila ni Andrei.

"Sir, kailangan lang po namin ng statement mula sa inyo. Ano po bang nangyari?" Narinig kong nagsalita yung pulis sa tabi ko, pero hindi ako sumagot. Nalulunod lang ako sa sarili kong isipan. Wala akong masabi.

"Ako na lang po ang kuhaan niyo ng pahayag sir. Pareho po kami ni jacob nakakita sa biktima." Narinig ko namang nagsalita si Ah Leah. Pumayag naman yung pulis at sila na lang ang nag-usap.

"Jacob, what happened?! Are you okay son?" Nagising ang diwa ko ng dumating si mommy. Napalingon ako sa kanya at umiiyak siya. Nakita ko naman na stressed ang mukha ni dad. At halos hindi din mahinto si Jaranaya sa pag-iyak.

Nagyon ko lang sila napansin. Masyado kasing malalim ang mga iniisip ko. "I'm fine Ma. Pero si Alec hindi. Puno siya ng saksak sa bandang tiyan." mahina kong sabi. Hindi ko alam kung anong dapat kong masabi ngayon. Kung ano dapat kong gawin. ang hirap magrespond sa mga tao sa paligid ko. Nahihirapan ako.

"What? Who would do that?" tanong naman niya. Pero hindi ko magawang magbuka uli ng bibig.

"Tita, ako na lang po muna kausapin niyo, he's too shocked from what happened. It's fine, kung ako na lang po muna ang tatanungin niyo." sabi naman ni Luke.

Im still thankful dahil kahit papano naririnig ko sila, kaunti lang ang mga naiiintindihan ko sa mga pangyayari, pero ayos na din, dahil hindi ako iniwan ng mga taong dapat nandito. Pero yung isang tao na Dapat talga nandito, wala siya. Iniwan niya ko.

Unti-unti akong sumandal sa dingding na nasa likod ko, andito kami ngayon sa hospital. Ipinikit ko ang mga mata ko, at inalala ang mukha ni Nicolai. Siya lang talaga ang pwedeng magpabago sa mga nararamdaman ko.

Ang hindi ko maintindihan aya kung ano ba ang nangyayari samin. Iniwan niya ko sa mga panahon na kailangan ko siya, para kong sasabog sa sama ng loob at sa mga emosyong hindi ko mailabas.

Asan ka ba Nicolai?

NICOLO'S POV

" Salamat ate ha. Hindi mo ko iniwan." Sabi ko kay ate Nico. Andito siya ngayon sa kama ko, at katabi ko. Nakayakap lang ako sa kanya habang nagbabasa siya ng libro.

"Sa palagay mo, sinong may gawa nun?" biglang tanong niya sakin. Nagulat naman ako dahil biglang bumalik ang itsura nung estudyante sa paningin ko.

"Huwag mo ng isipin. Magpahinga ka na." Biglang bawi naman niya.

Napatango na lang ako at naramadaman kong niyakap niya din ako. Magkaharap kaming magkayakap at unti-unti naman akong nakatulog.

**

"ate Nico. Gising!" ginigising ko si ate Nicolai, para sundan siya. Akala niya hindi ko siya nakitang lumabas ah.

"Bakit ba Andrei, mamaya na."

"eh tara na kasi, nakita ko siyang lumabas ng kwarto." pagpupumilit ko, gusto ko kasi samahan ako ni ate Nicolai eh.

"Ano ba yan, ang tigas ng ulo niya." Bumangon na si ate at hinawakan niya ko sa kamay.

Sabay kaming bumaba sa hagdan papuntang kusina. Nagulat kami pareho nang makita namin siyang umiiyak.

"Ate! Ate! bakit ka umiiyak?" Nilapitan ko siya, at binitawan ko naman si ate Nicolai.

"Kase, kase si Loki, ayaw na kong makita."

"Yun lang? Wag ka ng umiyak, andito naman kami nina mama at ate nico eh." sabi ko naman. Niyakap ko siya, pero patuloy pa din siya sa pag-iyak.

THE SILENT TRANSFEREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon