CHAPTER16: INSENSITIVE

169 2 0
                                    

ANDREI'S POV

 Maya-maya ay nakita ko ang kapatid niya.

Nagdidilim ang paningin ko sa kanilang dalawa!!!!!

------------------

Pero hindi ko na siya pinansin at agad akong sumakay ng kotse ko. Tinanaw ko muna ang babaeng iyon at halos malaglag ang panga ko nang mapansin kong masasagasaan na siya.

 Agad kong pinaharurot ang kotse ko sa side nung babae at tinanggap ko ang malakas na impact ng bumanggang sasakyan sa gilid ko. Nakita ko pa munang hinimatay yung kapatid ni Jacob at tsaka rin ako nawalan ng malay.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JACOB'S POV

 "Ano pa gusto mo kainin ? ^_^" tanong ko kay Nicolai, kasalukuyan kaming nag la-lunch ngayon.

"hm, wala na .. busog na ako." sabi niya.

"gusto mo na bang umuwi?" tanong ko.

"hm, oo.. para na rin makausap ko si Andrei. Baka nagtatampo yun eh.." sagot naman niya.

"naks, Bait mo naman, pakiramdam ko si Jaranaya eh nagtatampo na rin ngayon. hahahaha !!" iniisip ko na baka ganun nga. Kasi hindi man lang siya nagreply.

"tss, baka sigawan na naman ako nun." sabi ni Nicolai sabay nag-pout.

"trust me, ayos na satin yun :D" I assured her.

 Baka kasi mamaya kung kelan okay na si Jaranaya sa kanya atsaka naman siya magalit sa kapatid ko. Gulo yun pag nagkataon.

"okay, fine. Umalis na tayo."

"Sige, ihahatid kita." sabi ko.

Nang papalabas na kami sa restaurant ay napansin kong ang daming Ward Students ang pakalat-kalat sa daanan. As in pakalat-kalat sila. Kasama din ang mga taga-Shirin University, na karaniwan ay puro babae.

"Anong problema nila?" bigla kong napansin si Nicolai. Oo nga pala, palabas na kami.

"Hayaan mo na. Baka, nagbo-bonding lang." Sabi ko na lang. Gusto ko na talagang umuwi eh, kasi parang bigla kong gustong makita yung kakambal ko. Nanghihina nga ako eh. Tsk.

 Nang makalabas na kami, ay padiretso na kami sa parking lot nang may biglang sumulpot sa harapan namin na isang Ward student.

"Jacob Ward right?" punong-puno ng pag-aalalang tanong niya.

"Yes, why?" tanong ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"isinugod si Jaranaya sa hospital..." hindi ko na pinatapos ang sinabi niya, dahil agad-agad akong sumakay ng sasakyan at pinaandar iyon. Walang lingon-likod akong umalis ng lugar na yun. Gusto ko lang naman ay makita ngayon din ang kapatid ko. What the hell happened?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nandito na ako ngayon sa room ni Jaranaya, andito na si dad.

"dad" sabi ko. Lumingon naman sakin si Daddy, he set aside, para siguro makita ko ang kapatid ko. At halos bumigay ang katawan ko ng makitang putlang-putla si Jaranaya. Lying on the bed.

 Nakadextrose siya at nakakabit sa kanya ang oxygen mask. Parang hirap na hirap siyang huminga. Nakita ko ring nagkanda punit-punit ang sleeve niya sa bandang may wrist. Marami siyang pasa sa mukha at namamaga ang kanang binti niya.

THE SILENT TRANSFEREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon