Chapter 27: Why?

3.1K 69 0
                                    

Chapter 27: Why?

Zydny's POV

Unti-unting nawala ang liwanag na bumalot sa buong lugar. Nang matanaw na namin ang lahat ay nakita ko si Bach na ibinaba ang kaniyang kamay at unti-unting napaluhod,nanghihina.

Agad-agad ko siyang nilapitan habang ang iba ay abala sa pag-alalay sa mga nasaktan at nasugatan.

“Kuya!” natatarantang sigaw ko pagkalapit ko hindi alintana ang mga sugat na natamo ko.

“I-It's okay.” pilit niyang sabi kahit na kita ko naman na nanghihina siya.

Hinawakan ko siya at inalalayan para makatayo,“Let me bring you to the healing team.”

“N-No. You have a w-wounds.”

Umiling ako,“Don—”

“I'll bring both of you there.”

Napalingon ako sa nagsalita. Si Cayel.

Pumunta siya sa kabilang side ni Kuya at inalalayan ito. Nakaalalay naman ako sa kabila pa.

“Zydny don't force yourself. Come here.”

Tinignan ko si Kuya dahil pinapalapit ako ni Cayel. He just nod so I transfer into Cayel's side. Hinawakan niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad.

I can't see the others on the field. Wala sanang masamang nangyari sakanila.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at wala na akong nakikitang kahit sinong taga-Duchess. Kung anong nangyari? Hindi ko rin alam. But one thing is I'm sure with,we won.

Nakarating kami sa kinalalagyan ng Healing Team at parehas nila kaming inalalayan. Inihiga nila kami sa mga nakalagay na higaan. Marami-rami ang sugatan. Wala pa namang nababalita na namatay—at sana ay wala na talaga.

Bigla ko'ng naalala si Dad!

Agad agad akong umupo at sinubukang pigilan ng dalawang babae na gumagamot sakin pero hindi nila ako napigilan.

“Where's our Dad?” tanong ko sakanila.

Naramdaman ko ang paglapit ni Cayel sa akin. Kaya naman napalingon ako sakaniya.

“Where's our Dad?” ulit ko.

Hinawakan ni Cayel ang buhok ko at pilit na pinapakalma ako.

“He's safe now.” and he smiled.

Hindi ko napigilan na ngumiti na din. Dad is safe right now. Pero wala pa rin akong naararamdaman na guilt sa ginawa ko. Para saan pa diba? Marami rin naman silang nagawang masama at sapat na kabayaran na yun.

Pinahiga na ulit ko at ginamot ako.

Tumayo and asawa ni Dad sa unahan at pinadaanan ng tingin lahat ng nasaktan. Mukhang hindi siya nagtamo ng kahit na anong sugat o daplis man lang.

“Heal them.”

Iyon lamang ang tanging sinabi niya pero biglang naging aligaga yung mga kasapi ng Healing Team.

Napatitig ako sa Mama ni Kuya Bach. Tanggap niya kaya ang anak ng asawa niya sa ibang babae? Galit kaya siya sa akin?

Bigla ko'ng naalala ang panaghinip ko kaya napapikit ako. Yung babae. Naglaban sila ni Mommy. Natalo si Mommy.

Napadilat ako at nagtama ang paningin namin ng Mommy ni Kuya. N-No....mali ako....hindi niya magagawa yun....

Nakita ko sa mga mata niya ang galit at poot habang tinititigan ako. Hindi niya ako tanggap.

Reign Academy: School of Power Abilities (CURRENTLY EDITING)Where stories live. Discover now