Chapter 17: Warning

3.9K 78 1
                                    

--*

Chapter 17: Warning

Zydny's POV

~

"Take care of her....d-don't let anyone hurt her...I'm begging y-you..." naghihingalong sabi ni Mommy.

Tumingin naman sakanya yung lalaki na naka-blur parin ang mukha. Kailan ko ba siya makikita malinaw?

"I w-will...d-don't leave us." naiiyak na sabi nung lalaki.

Naghihingalo na si Mommy pero nagawa niya pa rin na ngumiti at punasan yung luha nung lalaki.

"I'm not going to leave both of you. I will always w-watch you both over there..." sabi ni Mommy.

Lalo namang naiyak yung lalaki kaya pati ako ay naiyak na rin. Nasasaktan ako sa nakikita ko.

"N-No! You can s-survive!" sigaw ng lalaki.

"I'm begging you...stay with her....n-no matter what...I a-already finish m-my journey. I love you....Zed..."

Pagkasabi ni Mommy nun ay binigyan niya ng halik yung lalaki na nagngangalang Zed.

At paghiwalay ng mga labi nila....

"N-No! N-No! Wake u-up! Please!"

Inalog alog niya si Mommy at umaasa na magigising ito pero hindi na yun nangyari...

Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo. Nasaksihan ko kung paanong naghihingalo ang nanay ko. Pero hanggang dulo...she wanted to protect me...

~

"Frost?"

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Headmaster Naccio.

Naramdaman ko na pinunasa niya ang gilid ng mata ko. Nahiya naman ako bigla. Pero naramdaman ko na basa yun. Akala ko sa panaghinip ko lang ako umiyak.

"You are crying. Did you dream of something?" nag-aalalang tanong nito.

Napangiti ako pero hindi ito umabot sa mga mata ko. Naaalala ko pa rin yung panghinip ko.

Si Dad ba yung kausap ni Mommy bago siya namatay? Pero bakit hindi siya nagpakita sa burol at libing ni Mommy? Bakit? Eh diba binilin akon ni Mommy sakanya? Ayoko naman na isiping binalewala niya yun. Tatay ko pa rin siya. Baka may dahilan siya. At handa akong pakinggan yun.

"Frost? You're spacing out."

Natinag naman ako ng magsalit ulit si Mr.Naccio.

"I d-dream about my m-mom's dying s-scene." sagot ko.

Nahihirapan ako na sabihin ang mga salitang yun. Wala ako nung nangyari yun dahil nasa school ako at kumukuha ng exam. Kung hindi nalang sana ako umalis....baka kasama ko pa si Mommy.

Napatingin ako kay Headmaster Naccio at natigilan siya. Pero ng makita niya na nakatingin ako sakanya ay bigla nalang siyang bumalik sa normal na ekspresyon niya...cold.

"By the way,nahimatay ka kanina after you say the name of the traitor kaya dinala muna kita dito sa clinic. "

"T-Thank you po."

Tumango lang siya.

"Ano po ang gagawin natin ngayon? Sabi pa niya sakin kanina nung niyakap niya ako na maghintay daw ako. Parang warning po yun na mas napalapit ang pagsugod nila. Paano na po yun?"

Para akong bata na nagsusumbong sa tatay niya dahil tinakot ako ng kalaro ko sa tono ng pananalita ko ngayon. Pero anong magagawa ko? Natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari. Maraming mapapahamak...and worst mamatay.

Reign Academy: School of Power Abilities (CURRENTLY EDITING)Where stories live. Discover now