Chapter 13: Power of Teleportation

4.4K 97 7
                                    


--*

Chapter 13: Power of Teleportation

Zydny's POV

Sabado ngayon at gaya sa normal na mundo ay walang pasok sa Reign Academy. Kaya kahit papaano,ramdam ko na nasa normal na mundo pa rin ako kahit na hindi naman ako lumayo sa earth. Nandito pa rin naman ako.

"Ano kaya ang masayang gawin?" tanong ni Syth.

Nandito kami ngayon sa sala nitong dormitory namin. We're eating some cookied that officially baked by Syth. Saming tatlo siya lang naman ang marunong sa mga ganitong bagay.

"Wala namang malls dito eh gaya sa normal na mundo." nakangusong pahayag ni Vrinca.

Napailing nalang ako dahil nung nandoon ako ay nakatutok lang ako sa studies. Hindi kasi pwedeng madisappoint ko si Mommy nun kaya talagang pinag-iigihan ko lalo na at scholar lang naman ako. Hindi rin ako mahilig mamasyal sa malls dahil wala naman akong gagawin dun. Liban nalang pag may kailangan ako at bibili ako sa bookstore.

"Bakit? Nasa normal na mundo pa naman tayo. Ang pinagkaiba lang ay may powers tayo na wala ang mga karaniwang tao." paliwanag ni Syth at sumubo ng cookies.

Tumango-tango nalang si Vrinca.

"Teka? Asan pala yung boys?" tanong ni Vrinca.

"I don't know. Baka nasa dorm din nila." Syth answer.

"Hindi ba tayo pwedeng lumabas?" tanong ko.

Kasi kahit ako boring na boring na. Wala naman kasing ibang mapagkakaabalahan.

"Hindi ata. Lalo na at naghahanda ang buong school sa gagawing pagsalakay ng Duchess." malungkot na sabi ni Syth.

Sabay sabay kaming napabuntong hininga. Wala naman kaming magagawa at nakataas sa orange signal ang buong school. Ang new moon kasi ay sa isang buwan na. Kaya naman nararapat lamang na maghanda kami.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may kumatok ng sunod-sunod sa pintuan.

"Ako na magbubukas." boluntaryo ko.

Tumango nalang sila at kumain pa. Buti hindi sila nagsasawa. Ako kasi umayaw na agad. Hindi ako mahilig sa matatamis.

Pagbukas ko ng pinto ay dirediretsong pumasok sila Cayel,Lhan at Bach na hinihingal. Ako naman ay nagulat,muntik na kasi akong ma-untog djnppun sa pinto.

"I-Isara....mo...." hinihingal na sabi ni Bach na ginawa ko naman.

Bumalik ako sa upuan ko kanina. Yung tatlo naman binigyan ni Vrinca ng tubig. Ano kayang nanghari at hingal na hingal sila?

Hinintay namin na maka-recover sila bago tinanong,

"Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Syth.

"Tinakasan kasi namin yung bantay dun sa dormitory naming mga lalaki.," sabi ni Bach.

"Huh? May mga guards na? Agad-agad?" nakakunot noong tanong ni Vrinca.

"Yes. They want to assure the safety of the students here. Especially those who's in begginer section." Lhan answered.

Napalingon ako kay Cayel ng kalabitin niya ako. "Why?" I ask him.

"Can you please come with me in the kitchen?" He asks.

Alanganin akong tumango,"Sige."

Humarap siya sa apat tyaka nagpaalam.

Pumunta kami dito sa kitchen at naupo lang siya. Eh? Ano namang gagawin ko dito? Uupo rin? Eh nakaupo naman kami dun.

Reign Academy: School of Power Abilities (CURRENTLY EDITING)Where stories live. Discover now