Part VIII

3.1K 65 1
                                    

______________________________________

Part VIII

"Humiga ka lang diyan!" sabay hagis ni Luke si Juls sa kama.

"Aw. bakit kailangan mo kong ihagis! Pwede namang dahan dahan mo ko ibaba ah?!"

"Nakakairita ka na eh, kanina ka pa tumitingin saken."

Napansin niya pala yun. 

Umupo si Luke sa paanan ni Juls, dahilan ng pag atras nito at napasandal siya sa headboard. Tahimik lang silang dalawa habang nakatitig sa isa't isa.

 Naiisip na naman ni Juls ang nakaraan nila, kung paano sila maglambingan sa ganitong oras ng gabi. Wala pa namang nangyayari sa kanila dahil ang gusto ni Luke gagalawin niya si Juls pagkatapos ng kasal nila.

 Pero hindi yun natuloy.

 Napaiyak na lang ng biglaan si Juls habang naiisip niya yun kaya umiwas siya ng tingin.

 "Ang ikli pala ng binigay ko sa'yong shorts."

 Tinignan ulit ni Juls si Luke, napansin niyang nakatigil ang mga mata nito sa binti niya, hinila niya agd ang kumot at itinago ang mga binti niya.

 "Wag ka nga tumingin sakin, lumabas ka na."

 Nagtaka si Luke, hindi siya lumabas kundi lalo pa siyang lumapit kay Juls, nasa side na siya ni Juls. Hinawakan niya ang kamay nito. "Juls,"

 "What?!"

 Hindi nagsalita si Luke, hinawakann niya ang pisngi ni Juls at hinawi ang kanyang mga luha, dahan dahan nilapit ni Luke ang mukha nito kay Juls, isang pulgada na lang magkakadikit na ang mga labi nila.

 Pumikit si Luke at tuluyan nang inilapat ang labi nito kay Juls, nanlaki naman ang mata ni Juls sa ginawa niya.

 Hindi gumagalaw ang labi ni Luke, nakadikit lang ito kay Juls.

 Maya maya biglang gumalaw ang labi ni Luke, gustong  siyang itulak ni Juls pero wala itong lakas. 

 Naalala na naman niya ang mga pagkakataon noon na hinahalikan siya ni Luke, hindi nawawala sa isipan niya ang bawat paghalik sa kanyang labi ng taong pinaka mamahal niya.

 Hindi na rin niya napigilang sumunod sa mga halik ni Luke, inilagay niya ang kanyang mga kamay sa buhok ni Luke. Lalung naging malalim ang paghahalikan nila nang pumaton si Luke sa ibabaw niya.

 Nakagabay ang mga braso ni Luke sa tagiliran ni Juls habang sunod na hinahalikan ito sa leeg niya, 

 Humigpit ang yakap ni Juls sa katawan ni Luke at halos mapaungol na siya sa paghalik sa kaniya sa leeg.

 Kinuha niya ang ulo ni Luke at nagsalo na naman sila ng halik.

 Bumitaw si Luke sa oagkakagabay ng mga braso niya kaya magkadikit na talaga sila. Naramdan ni Juls ang matigas nitong pangangatawan at hindi niya mapigilan mag-isip ng kung anu ano.

 Niyakap ni Luke si Juls at umikot sa kama. Ngayon si Juls naman ang nasa ibabaw. Hawak hawak ni Luke ang mukha ni Juls habang hinahalikan.

 Sa gitna ng kanilang mainit na paghahalikan, bigla na lang bumitaw si Luke napahiga sa unan.

 "Huh? Luke?"

 Nagtaka naman si Juls kung anung nangyari kay Luke, paulit ulit niya itong sinasampal pero hindi na ito magising.

 "Grabe, bibitinin mo lang ako?!" Umalis na siya sa ibabaw ni Luke at humiga sa tabi niya, "Luke?  Tulog ka na ba talaga?" sabi niya habang nakatingin kay Luke. "Hays..."

 Hindi maikakaila na nabitin talaga si Juls at parang gusto pa niyang ituloy.

 Nang hindi na talaga magising si Luke niyakap na lang siya ni Juls at ibinawi na lang sa tulog ang pagkabitin niya.

My Widower Ex [Short Story Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon