Part V and Part VI

3.4K 79 4
                                    

____________________

Part V

Pinuntahan agad ni Juls ang address na binigay sa kanya ni mrs. Salvante. Pinagbuksan siya ng isang babae na naka uniporme na parang pang nurse.

Napanganga siya sa bahay na nakikita niya pagkapasok niya ng gate. Malaki ang bahay pero kokonti lang ang nakatira dito.


"Tuloy po kayo, Ma'am." Sabi nito sa kanya habang sinusundan niya ang babaeng nagbukas ng gate sa kanya.

Lalo pa siyang natulala nang pumasok siya sa sala. Puro mamahalin na vase, figurines, paintings at furnitures ang nilalaman nito.

Tumigil siya sa gitna ng sala at tiningala ang napakalaki at babasaging chandelier na nagliliwanag sa sala.

Napakayaman naman ng nakatira dito, sabi niya ng mahina.

Lumapit siya sa isang malaking shelf na punung puno ng litrato, isa isa niya itong tinitignan, napalaki ang mata niya ng makita niya ang litrato ng isa sa mga estudyante niya.

Si Gab...

"Teacher Juls!" bati ni Gab. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya sa bewang.

"Gab is your tutor already there?" sabi ng boses na nanggagaling sa kusina. Hindi na niya tinanung kung sino pa yun,

 boses pa lang alam na niyang si Luke yun.

"Gab, please be a good boy, I'll just buy you-" naudlot ang sasabihin ni Luke dahil hindi niya inaasahang si Juls ang magiging tutor ni Gab.. "Teacher Juls," bati ni Luke, nagkatitigan sila ng ilang segundo.

"Good afternoon po, Mr. Monteverde." sabi ni Juls

"Good afternoon din," ilang segundong hindi nakapagsalita si Luke, dun lang nawala ang pagtititigan nila ng biglang yumakap si Gab sa daddy niya.

"Dad, are you going to buy me fries?"

"Yes, Gab. Basta good boy laging may pasalubong from daddy." nag ngitian silang mag-ama. Hinawakan ni Luke ang kamayni Gab at nilapitan si Juls, "Ikaw nang bahala kay Gab, bigyan mo ko ng feedback mamaya sa behavior niya. "

"O-opo, S-sir."

Ningitian siya ni Luke kaya medyo napangitu na rin siya, lumuhod si Luke para makaharap ang anak. Hinalikan niya si Gab sa noo. "Good boy ha?"

Tumindig ng maayos si Gab na para bang sundalo at sumaludo pa kay Luke,"Sir, Yes Sir!"

 Natawa naman si Juls sa ginawa ni Gab. Ginulo ni Luke ang buhok ng kanyang anak tsaka pumunta na sa kanyang sasakyan.

My Widower Ex [Short Story Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon