LMF: The Backstory (Special Chapter)

187 9 5
                                    

*LMF: The Backstory (Special Chapter)

*Jessica’s P.O.V.*

Excited akong pumunta sa Event. Baka kasi makita ko ulit si Labs. And this time, makilala na niya ako. Di ba? Di ba? Hihihi. <3

Sabi nga nila, ‘wag mong hayaang mawala ang isang ‘chance’ Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pangalawa. ‘

Kaya eto ako nagmamadaling maligo. Magaayos pa ako. Para naman pagnakita niya ako, presentable ako. Hihi.

***

Natagalan sakin si Karen, tsk. Umuna na tuloy siya. Tsk tsk. Kaya eto ako ngayon, magisa. Loner. Tsk tsk.

Papasok na sana ako sa loob ng event hall ng biglang may humatak sakin.

Masyadong mabilis yung mga pangyayare kaya ang nangyare, nahatak niya ako. Tumigil kami sa isang Shoe shop. Anong gagawin namin dito? Atsaka bakit ba nanghahatak to?

“Sino ka ba? Bakit ka ba nanghahatak? “ – Ako

Lumingon siya sakin. Takte. Nananaginip ata ako. Maygash. Akala ko nagising na ko kanina ah. Bakit parang nakatulog ulit ako? Shet.

“Ugh. Sorry miss. Para makabawi ako sa panghihila ko sayo. “ – Ralph.

May kinuha siya sa bulsa niya, tapos kinuha niya yung kanang kamay ko at nilagyan ng posas. Tapos yung isa inilagay niya sa kaliwang kamay niya.

Teka? Posas?

“Ano to? Bakit mo ko pinosasan? Teka nga. Hindi mo naman ako kilala ah. “ – Ako

“Kilala kita. Sa mukha nga lang. Kaya dapat magpakilala ka sakin. Hello, I’m Ralph Marco Sy. “ tapos inabot niya sakin yung free hand niya.

“Jessica Chen. “ tapos nakipagkamay ako sa kanya. Ang saya ng araw na to. Hahaha~ nahawakan ko ang kamay ni Labs. Hihihi. <3 Tiyak na kikiligin ang mga loka. Lalo na’t nakaposas kami sa isa’t isa.

***

Kanina pa kami paikot ikot dito sa loob ng venue, hinahanap namin sina Indira. Pero hindi namin sila makita. Tsk tsk.

Tapos  kanina pa den akong pinapatay ng mga fangirls nitong katabi ko. Oo magkasama pa den kami. Wala yung susi eh. Binigay daw niya kay Kuya Rey. Dapat kasi talaga masaya ako ngayon. Kaso paano ba ako sasaya? Mukhang hindi na ako makakauwi ng buhay samin nito eh.

“Wag mo na lang silang intindihin. Tara na lang kumain. Malapit na reng gumabi eh. Nagugutom na den ako. Mamaya na lang ulit natin hanapin sina Indira. “- Ralph

Dumiretso kami sa foodcourt. Dun daw kasi niya gustong kumain. Bumili muna kami ng kakainin namin, Tapos humanap ng mauupuan ng magkasama. Hindi kasi kami mapaghiwalay eh. <3 hahaha.

Pagkatapos naming kumain, Dumiretso kami sa quantum. Since patay pa ren naman ang phone nina Indira.

Naglaro kami nung basketball. Tinuruan niya ko kung paano magshoot ng bola. Pinahawan niya sakin yung bola, tapos pumunta siya sa likod ko, pero dahil nakaposas kami hindi maging maayos. Nagulat na lang ako maya maya, wala na yung posas. Binigay niya ulit sakin yung bola, tapos pumwesto siya sa likod ko. Then hinawakan niya yung kamay ko na may hawak na bola. Shems ang lapit niya sakin. Amoy na amoy ko yung pabango  niya. jusme. After naming magbasketball, nakaposas na ulit ako. Anyare? Haha.

Mukha kaming nadedate. Hihi. Kasi pagkatapos namin sa quantum, nagpunta kami sa isang ice cream shop. Nilibre niya ko. <3

After naming malibot yung buong mall, bumalik na ulit kami sa event. Nagtex na ren sakin si Karen eh. Andun daw sila sa booth ni Kuya Aries. Naguusap lang kami habang papunta dun. Nakakatuwa siyang kausap. Haha.

“Alam mo it’s nice to be your friend. Can I be your boyfriend?  “  - Ralph

Nagulat ako sa sinabi niya. Mamatay na ang hindi magugulat. Haha. 

“Ano? Boyfriend? “ – Ako

“Yep. Short for Boy bestFriend. “ – Ralph.

Aww. Bestfriendzone na agad? Sakit naman.

“Sure. “ I smile at him.

Malay niyo ito na ang simula di ba? Atsaka, in order for me to reach my happiness, I’ll take the risk. <3 

*--------------------------------

Sana hindi kayo nabored. XD~ Lutang kasi ako ngayon. hindi pa ako nakakamove on sa nangyare kagabi. (birthday ko po kahapon. lol. XD~ ) <3 Hearts Everywhere. <3 

~ BeautifulBltch <3

Loving Mr. FamousWhere stories live. Discover now