#Chapter 6

203 11 3
                                    

*Jessica’s P.O.V.*

Hindi na ko nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip. I know, mukha na kong shunga. Tsk. Makapunta pala kina Karen kapag nagka free time ako. Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta sa bahay nila eh.

Pumunta akong kusina, naghanap ng makakain sa ref. Sa dami ng pagkain sa ref, tinamad akong kumain. Nung naisara ko na yung ref may nakita akong sticky note.

‘May pinuntahan lang ako. I’ll see you at the party later.

                             -Ralph’

Bakit ba feeling ko may inililihim sila sakin? Tsk.

***

Tapos na kong mag ayos para sa party. Dumiretso ako sa parking lot at kinuha ang kotse ko. Tatanungin ko na talaga sila mamaya. Sobrang bother na talaga ako sa mga ikinikilos nila.

Nakarating ako sa party hall. Nahihirapan akong maglakad. Hindi dahil sa mataas yung sapatos ko. It’s because I’m really nervous. Why? Hindi ko ren alam.

Nakita ko yung table nila. Kakaiba ngayon. Hindi katulad noon. Noon kasi kapag may party na ganito, usually maaabutan mo silang masayang nagkwekwentuhan. Yung parang sila lang yung bisita, ngayon iba na. lahat sila tahimik. Mahahalata mong mayroon silang malalim na iniisip.

Gusto ko silang tanungin. Kaso paano pag sinabi nila yung mga totoong bagay at sumakto ito sa kutob ko? Ayaw kong masaktan.

Dahil hindi naman nila napansin ang presensya ko, hindi ko muna sila nilapitan. Dumiretso ako sa garden tapos nung may nakita akong swing umupo ako doon.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nabother ng ganito. *sigh

“Masyado yatang malalim ang iniisip mo. Baka naman malunod ka na niyan. “ Nagulat ako nung biglang may magsalita. Si Kuya Rey lang pala.

“Kuya Rey. “ mahina kong sambit. Gusto kong itanong, pero hindi ko kaya.

“Alam mo Essie, marami kayong similarities ni Cass. Kaya siguro magkasundo kayo. You both don’t want your real emotions to show. “ tiningnan ko siya at sakto namang nakatingin den siya sakin. Nginitian niya ko. I can’t smile back.

“Kuya Rey. “ Tawag ko ulit sa kanya.

“Wala ako sa posisyon para sabihin sayo lahat. I’m sorry Essie. Mahal ka lang talaga namin. And besides, there are things that doesn't need to be explain or tell. Coz someone might get hurt if the truths will be revealed.” Hindi ko alam kung paano pa siya nakakangiti.

“Pero di ba mas masakit kung wala ka man lamang clue kung ano ng nangyayare sa paligid mo? “ bakit ba kasi ayaw pa nilang sabihin sakin kung ano yung problema?

“Magkunwari ka na lang na wala kang nararamdamang masamang nangyayare sa paligid mo. Kunwari ok lang ang lahat. Pasok ka na sa loob. Masyado ng malamig dito. “ Tapos iniwan na niya ko.

Bago ako pumasok sa loob, inayos ko muna ang sarili ko. For the very first time of my life kailangan kong maging plastic sa sarili ko. Kailangan kong magpanggap na masaya. Kailangan kong magpanggap na ok lang ako. Kailangan. Iisipin ko na lang na kahit sa ganitong paraan man lamang makatulong ako sa kanila.

Pumasok ako sa loob wearing my ‘Precious Plastic Smile. ‘ Tapos lumapit ako sa kanila. Paglapit ko sa kanila, saktong tugtog ng isang slow music. Hinila naman ako agad ni Ralph papunta sa gitna.

Sabrina - The Way You Look At Me

No one ever saw me like you do

Loving Mr. FamousWhere stories live. Discover now