#Chapter 1

462 9 0
                                    

*Jessica's P.O.V. * 

I first saw him at an event in some random mall. 

It's the first time i saw his eye smile. That's the first time i find my true love. 

Tumagal ng halos 1 taon. Bago ko naamin sa sarili ko o natanggap sa sarili ko na nainlove ako sa kanya. Aba, mahirap kayang tanggapin yun. Lalo na kung dahil lang sa mata niya kaya ka nahulog sa kanya. But, I know there's something in his eyes that caught my atention, my Heart.

I was only 13 back then. I'm 17 now. And by the way. I'm Jessica Chen. And it's been 4 years since I met him. And it's been 3 years since I became his best friend. Yes I manage to become close to him. I manage to be one of the closest person to him. But still were too close yet so far. 

Hindi na ko magkwekwento. Napakahaba na ng narating namin. Sa sobrang haba nakakatamad magkwento. Haha. 

"Essie. Balak mo na bang tumira jan sa CR? Maliligo ka na nga lang ang bagal mo pa. " si Ralph. Ang bestfriend ko. He's 4 years older. Pero hindi pa ren siya graduate. Haha. Nagsecond course eh. Same course as mine. Graduation ko ng High school, graduation den niya ng College. Bale, sabay kaming grumaduate. 

"Ano? Dadalhin ko na ba mga damit mo jan sa loob? " sigaw niya ulit. Takte. Hindi talaga siya marunong maghintay. 

"Sandali lang. Eto na. Magbabanlaw na oh. Masyado ka namang atat eh. Kakapasok ko lang kaya dito. Dapat kasi nauna ka na sakin para hindi ka na nagrereklamo jan."  Sigaw ko sa kanya. Pero ang lamig talaga nung tubig eh. Haha. 

"Anong kakapasok mo lang jan? 2 oras ka na halos jan. Baka gusto mong pasukin na kita at ako na magpaligo sayo ng mapabilis yang panliligo mo. " kinakalampag na niya yung pinto. Sa takot ko na baka nga totohanin niya yung sinabi niya nabuhay ko yung shower na sakto namang nakatapat sakin. Ang lamig huhu.~ 

"Manyak ka talaga. Bwisit. Give me 5 minutes. Lalabas na ko. " sigaw ko sa kanya. Tsk. 

Dali dali akong nagshampoo, naghilod na ko kanina eh. Tapos nagsabon. Takte. Ayaw ko talaga ng madaliang pagligo. Gusto ko kasi yung feel na feel ko yung tubig. Haha. Kaya mas trip ko kapag asa bahay namin ako. Malaya ako. Malaya akong magbabad sa CR at kahit na hindi ako maligo ng isang araw ok lang. Pero dahil sa condo ng bestfriend ko ako nakikitira may limit ang aking kalayaan. Tsk. Tsk. 

Hindi kami live in. Asa kayo. Hindi ko papatulan yung manyak na yun no. Tsk. We just happen to study in the same university. Same course.  Since nakilala ako ng parents niya, as his bestfriend. And my parents know him as my bestfriend too, nagkita sila nung birthday nung kaibigan ko. And yeah. Yung mga magulang namin ay matalik na magkaibigan noon pa. So when i start in my college year they let me stay into a condo unit with this Maniac. 

Bakit? Kasi daw, nakakasiguro silang ligtas ako. And kung may gawin man daw kaming masama. Matutuwa pa daw sila. Kasi noong baby palang ako at si Ralph ay batang paslit pa, napagusapan nilang i fix marriage kami. But then nagkahiwalay nga yung mga landas nila. Kaya ayun plan disconnected. Haha. 

Pero mukha namang malabo yung sinasabi nila eh, oo nga sobrang close namin. Pero so close yet so far nga di ba? At unang una sa lahat. I'm not his type. Not my kind. He likes a woman. With a looks of a super model and ofcourse body and brain too. 

"Lampas 5 minutes na Anae. Anong trip mo? Gusto mo bang bigyan pa kita ng 5 hours? Paalala ko lang sayo. Late na tayo sa usapan. Magagalit nanaman yung mga kaibigan natin neto eh." Reklamo niya. Reklamador talaga. Tsk. Nung masiguro kong wala ng sabon at shampoo yung buhok at katawan ko. Lumabas na ko. 

"Sus. Sanay na ang mga yun. And besides sinabi ko na kagabi na baka malate ulit tayo. Sabi ni Karen sanay na daw sila. Kaya iba yung oras nila sa oras na binigay nila sa atin. And besides mabagal ka ren naman ah. Quits lang tayo. Haha. Bleh. " tapos benelatan ko siya. 

Loving Mr. FamousWhere stories live. Discover now