Thirteen

1.4K 77 1
                                    

Thirteen

 Limang araw bago nilibing si Cena, lahat ng pumunta sa libing ay nakasuot ng itim na kasuotan, tinitignan ng bawat isa ang pagbaba ng kabaong mula sa lupa, magkatabi si Mhea at Dona, kapwa nalulungkot sa nangyari sa kaibigan, hindi nila inaasahan na hahantong sila sa ganito, na ang agang kukunin ang kaibigan nila sa kanila at sa pamilya nito.

 Isa-isa silang nagtapon ng puting rosas bago ito tuluyang isara, naririnig pa rin ang hagulgol ng pamilya nito na mas nalulungkot sa nangyari. Ang kapulisan naman ay naging tahimik tungkol sa kaso, pagkatapos ng libing, isa-isa nang nagsialisan ang mga tao.

 Saka naman nagpaalam sila Dona at Mhea na uuwi na sila, habang naglalakad sila papalapit sa kotse ng kaibigan ni Mhea na si Dona, napansin niyang may nakaubo sa loob, naningkit siya at para bang nagmamadaling makita ito, pero nang maaninag niya kong sino 'yon, ang nakakatakot na itsura pala ni Cena habang nakaupo sa passenger seat, ang sama ng tingin nito sa kanya.

 Napalunok siya at napaatras sa takot, nang tignan niya ang nasa loob sa likurang bahagi, na roon din ang mga naging biktima ng Marionette, apat na silang kaluluwa na nagpapakita sa kanya.

 Bahagya siyang nagulat nang may humawak sa balikat niya nang sulyapan niya ito, si Dona na takang-taka sa kanya, laking pasalamat naman niya na ang kaibigan lang pala, nakahinga siya ng maluwag.

 "Ayos ka lang ba Mhea?" Nag-aalalang tanong nito.

 "Oo," mabilis niyang sagot.

 Pagsulyap niyang muli sa kotse, wala na siyang nakikita, "halika na kailangan pa nating magpahinga."

MULA sa gitna ng mainit, traffic at maingay na kalsada ng Pacific Bay, tahimik naman sa loob sila Mhea at Dona. Napansin ni Dona na napakalalim ng iniisip ng kaibigan, ni hindi man lang ito nagkwento o gumagawa ng ingay, napansin niyang marami ng nangbago sa kaibigan niya.

 "Mhea sa tingin ko iniisip mo na naman si Cena, alam naman natin na kong buhay lang siya at magpapakita hindi niya gustong pinagluluksa siya," agad na napasulyap sa kanya si Mhea.

 Taliwas sa iniisip ng kaibigan, may malalim itong dahilan at tinatago sa kanya. Para bang takot na takot si Mhea sa hindi niya malaman na dahilan.

 Hindi nagsasalita si Mhea pero halata sa mukha niya ang takot.

 "May problema ba Mhea? Kaibigan mo ako, magsabi ka sa akin, makikinig ako sayo."

 Huminga ng malalim si Mhea, hingal na hingal siya at ang lakas ng kabog ng dibdib niya, para bang anumang oras para siyang bombing sasabog, natatakot din siya sa magiging reaksyon ng kaibigan, natatakot din siya na baka madamay din ang kaibigan katulad sa nangyari kay Cena.

 Malalim ang iniisip niya na halos hindi na napapansin na matagal na pagkakatingin sa kanya ni Dona, nang sulyapan niya ito may halong pagtataka at lungkot sa mukha nito, "natatakot ako."

 "Natatakot saan?"

 Umabante ng bahagya ang kotse nila dahil sa traffic. 

 "Dona hindi ko alam kong maniniwala ka o ano sa nakikita ko at sasabihin ko sayo, pero hindi ako nababaliw totoo 'to."

 "Ano ba 'yon Mhea, sabihin mo na sa akin para maintindihan kita," nakakaramdam na rin ng kaba si Dona sa mga oras na 'yon.

 Kosang lumabas sa bibig ni Mhea ang lahat ng mga salitang gusto niyang sabihin, matagal na sa kanyang kaibigan, lahat-lahat simula nang maramdaman niya at makita niya ang mga kakaibang bagay, si Dona naman ay hindi makapaniwala sa kwento nito, nakakapangilabot at hindi niya alam kong anong sasabihin sa kaibigan.

 "Sa tingin ko kailangan nating magtanong sa mas nakakaalam," wika ni Dona nang marinig niya ang lahat galing kay Mhea.

 "Kanino sa mga pulis? Hindi nila ako maiintindihan, kahit si Cena hindi niya ako pinaniwalaan, alam kong hindi ka rin maniniwala sa akin, walang nakakaintindi sa akin, wala," anumang oras para bang iiyak na si Mhea.

 "Naiintindihan kita Mhea," sabi ni Dona sa kaibigan kahit hindi naman talaga, kahit din ang dalaga ay hindi talaga basta-basta maniniwala sa mga sinasabi ni Mhea, pero dahil kaibigan niya ito kailangan niya itong tulungan.

 "Mhea pupunta tayo sa isang paranormal expert, may ka kilala akong taga-Westwood, not totally paranormal expert siya pero alam kong matutulungan niya tayo sa problema mo," pagkukumbinsi ni Dona.

TATLONG oras ang biyahe patungong Westwood galing ng Pacific Bay. Hapon na at halos nag-aagaw ang dilim at liwanag, pumayag si Mhea tungkol sa pakikipag-usap sa isang paranormal expert, baka maari itong makatulong sa kanila lalo na sa kanya.

 Huminto ang kotse ng kaibigan sa isang music shop, nagtataka siya kong bakit dito sila nagpunta. Nang maiparada ni Dona ang kotse agad itong bumaba kaya sumunod siya, pinagmamasdan niya ang napakaaliwalas ng Westwood, napakatahimik kumpara sa Pacific Bay na ang ingay kahit saan ka magpunta.

 May tinitignan si Dona sa cellphone nang sulyapan niya ito, "tinext ko na siya, nasa loob siya ng music shop na 'to na pagmamay-ari ng lolo niya, Carly ang pangalan niya, nakilala ko lang siya nong mapadpad ang team namin tito para sa politikong nangyayari rito."

 "Tinulungan niya kasi kami kong saan ang munisipyo rito, nalaman kong may kakaiba siyang kakayahan kaya maari siyang makatulong sa atin, ayan na pala siya."

 Napasulyap sila pareho nang may dalagang lumabas mula sa loob, agad itong napasulyap sa kanya, isang takot na mukha ang nakita niya rito na siyang pinagtaka niya, "jusko ko," bulong niya na halatang narinig nila.

 Si Dona at Mhea ay takang-taka sa kanya, "Carly siya 'yong sinasabi ko sayo sa text, na---"

 Hindi natuloy ang sasabihin ni Dona nang pangunahan siya ng dalagang si Carly, "ayoko," iiling-iling pa ito, "ayoko," saka ito nagmadaling pumasok sa loob.

 Nagkatinginan si Dona at Mhea, "ako na ang kakausap sa kanya, hintayin mo ako," suwestyun ni Dona kay Mhea saka ito pumasok sa loob.

KALAHATING oras ang hinintay ni Mhea sa labas, nag-aalala na siya kanina dahil sa naging reaksyon ng dalaga sa kanya. Nakita niyang papalabas na si Dona mula sa loob ng isang music shop, nakatingin lang ito sa kanya na parang hindi niya mabasa ang emosyon nito sa mukha.

 Tuluyan itong nakalapit sa kanya nang makalabas ito, "anong nangyari? Bakit siya ga'nun sa akin?"

 "Wag kang mag-alala, wala lang 'yon, sabi ko sayo eh paranormal expert siya, bukas ang third eye niya, kaya lang naman siya hindi pumayag na makipag-usap sayo dahil maiistorbo ang kaluluwa ni Cena, alam niyang may namatay, isang bagay na hindi niya ginagawa lalo na kong galing sa sementeryo." Paliwanag ni Dona.

 Nakahinga naman si Mhea ng maluwag dahil akala niya kong ano na, "mabuti pa nga umuwi na lang tayo, malayo-layo pa ang biyahe pabalik."

 "Siguro nga, siguro rin sa susunod na lang tayo bumalik," suwestyun ni Dona na sinang-ayunan ni Mhea.

------

Note: Sorry po kong ngayon na lang uli nakapag-update, buti naman walang nagrereklamo wag kayong mag-alala tatapusin ko po ito at malapit na po siyang matapos, naging busy lang sa bahay, sana naintindihan ninyo, thank you po.

MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon