Nine

1.5K 66 5
                                    

Nine

 Isang magandang papuri ang natanggap ni Mhea nang ipasa niya ang bago niyang artikolo galing sa kanyang amo, sunod sa Marionette Case, kong ga'ano ito ka pulido na isulat at tiyak daw na magugustuhan uli ng mga mangbabasa ang sunod niyang artikolo, may parte sa kanya na masaya siya dahil unti na lang at babalik na siya sa kanyang posisyun ngunit hindi siya mapakali sa mga sunod-sunod na kababalaghang nangyayari sa kanyang sarili.

 Hindi niya maintindihan kong binibiru lang siya ng sariling utak o sadyang may nangyayaring hindi maganda. Papauwi na siya at naglalakad siya sa pasilyo, nagpaalam na rin siya ng uuwi siya ng maaga dahil hindi maganda ang pakiramdam niya.

 Natigilan siya sa paglalakad ng makaramdam siya ng pagtaas ng balahibo niya simula batok pababa sa kanyang katawan, bigla rin siyang kinabahan sa kanyang nararamdaman pero muli siyang nagpatuloy sa paglalakad at tumigil muli nang may maramdaman siyang humawak sa kanan niyang balikat, agad niya itong sinulyapan na siyang nagpatigil sa paghinga niya ng ilang segundo.

 Walang laman ang isang mata ng dalaga na punong-puno ng dugo ang buong mukha, habang ang isang mata naman ay dilat na dilat sa kanya, lumuluha pa ng dugo, ang labi nito ay napupunit dahil sa tahi na para bang gustong ibuka, namumutla ito at napakarumi, ito rin ang dalagang nakita niya noon sa presinto, isang malakas na sigaw ang lumabas sa kanyang bibig.

 Kosang gumalaw ang mga paa niya at tumakbo, pero hindi pa siya nakakalayo ng madapa siya, hindi niya alam na bukas pala ang bag niya kaya nalaglag ito sa sahig kasabay ng mga lama ito, "tulong!" Sigaw niya habang nanginginig ang mga kamay na nagmamadaling kunin ang mga gamit niya, aksidente naman niyang nabuksan ang recorder niya, nang makuha niya ang lahat ay agad siyang tumakbo na hindi man lang tumitingin sa likuran.

 Bumanga siya sa matigas ngunit malambot na bagay, napaatras siya ng bahagya nang makita niya kong saan siya bumunga na lalong nagpadagdag na naman sa takot niya, isang pigura ng lalaki na nasusunog na ang itaas na bahagi ng katawan niya, lalo siyang napatili.

 Saktong bumukas ang pintuan ng elevator sa tabi niya, agad siyang pumasok doo at nagmadali niyang pinindot para agad itong magsara, bago pa man tuluyang magsara ang pintuan nakita pa niya ang matatalim na titig ng dalawang humahabol sa kanya na hindi niya maintindihan, kong totoo ba ang lahat ng 'yon o guni-guni lang niya, pero totoo ang takot na nararamdaman niya na hanggang ngayo'y yumayakap sa buo niyang pagkatao.

 Sa kakaisip hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya sa sobrang takot at kabang nararamdaman, alam niyang ligtas na siya pero nanginginig pa rin ang buo niyang katawan habang yakap ang bag, hindi pa rin humuhupa ang balahibo niyang nagtataasan pa rin.

 Nakaramdam na lamang siya ng malamig na kamay sa kanyang braso, pinikit niya ang mga mata at umusal sa kanyang isipan ng dasal, ang pagkakaalam niya ay siya lang ang tao nang pumasok doon, lalong humihigpit ang hawak, lalong bumuhos ang luha niya, hindi niya gustong lumingon sa nakahawak sa kanya pero kosang gumalaw ang ulo niya.

 Nagtama ang mata niya at ang mata ng humahawak sa kanya, hindi lang dalawa ang humahabol o sa tingin niyang gumugulo sa kanya kong di tatlo, ang isang 'to ay pamilyar sa kanya, hindi siya maaring magkamali kahit na isang beses lang niya ito nakita, ito 'yong lasing na lalaki na nakabunggo niya kahapon sa istasyon ng tren, sa pagkakataon na ito hindi siya makilala, walang laman ang isang mata nito, may tahi ang bibig at may bubog ang buong mukha.

 Bago siya tuluyang tumitig muli sa metal na pintuan, isang nakakabingging tili ang kumawala sa kanyang bibig.

UNTI-UNTING bumukas ang mga mata ni Mhea, una niyang nakita ang puting kisame, ramdam niya ang malambot na kamang kinahihigaan niya, agad siyang umupo pero nakaramdam siya ng kaunting kirot sa kanyang ulo kaya hinahawakan niya ito at hinimas kong saan kumikirot, ayon sa lugar at suot niya mukhang nasa ospital siya pero hindi niya alam kong paano siya nakarating doon.

 "Mhea," napasulyap siya sa direksyon kong saan 'yon nang galing, si Cena pala.

 May pag-aalala sa mukha nito na lumapit sa kanya, "ano bang nangyari sa akin?" Tanong niya sa kaibigan na halatang galing pa sa trabaho.

 "Ako nga ang dapat magtanong sayo niyan, ano bang nangyari sayo? Nakita na lang sa elevator kong saan ka nagtrabaho na walang malay kaya ka sinugod dito, ako ang unang tinawagan ng katrabaho mo kaya sumugod din ako rito mamaya pupunta na rin si Dona, gusto mo bang tawagan ko rin ang mama at papa mo?"

 Umiling-iling siya, "wag, hindi na kailangan ayos lang ako, wag mo nang sabihin sa kanila."

 "Mhea ano bang nangyari sayo kanina, bakit nawalan ka ng malay nang makita nila?" Muling tanong ni Cena sa kanya.

 Nagdadalawang isip siya kong sasabihin ba niya ang totoong nangyari, pero mabilis siyang sumagot, isang kasinungaling na sa tingin niya ay makakabuti, "wala akong maalala, ang pagkakaalam ko sumakit ang ulo ko nong pauwi na ako hanggang sa mangdilim ang paningin ko, hindi ko na alam kong ano 'yong sumunod na nangyari."

 Lumapit naman sa kanya ang kaibigan saka siya yinakap nito at hinaplos ang buong, "magsabi ka sa amin kong hindi ka ayos  o kong tungkol pa rin ba 'to sa aksidente, sasamahan ka namin ni Dona na magpa-check wag kang mag-alala, andito kami pamilya mo rin."

 Naluha siya sa mga narinig niya, sa pagkakataon na 'yon wala siyang nararamdaman na kahit na ano kong di ang kaligtasan niya, napayakap din siya sa kaibigan niya ng mahigpit, inaalo naman siya nito, ilang beses din siyang nagpasalamat sa kaibigan na kong di dahil doon baka kong ano ng nangyari sa kanya.

TULALA si Mhea na nakatitig sa kisame, wala na sila Cena at Dona, mag-isa na lamang siya sa kanyang silid sa ospital, kinabukasan pa siya makakaalis, na over-fatigue raw siya sabi ng doktor na tumingin sa kanya, wala naman siyang nararamdaman na kahit na ano sa paligid niya pero ginugulo ng isipan niya ang tatlong multong nagpapakita sa kanya, 'yon ang sigurado niya.

 Pero maraming katanungan ang sumasagi sa kanyang isipan, 'bakit sila nagpapakita sa akin? Anong kailangan nila?' Yan lang naman isa sa mga katanungan na gumugulo sa kanyang isipan na hanggang ngayo'y wala siyang alam na sagot.

 Pinikit niya ang mga mata pero muli rin niyang dinilat nang may maalala siya sa tatlong multo, 'yon lalaking nasa elevator, na may kaparehong itsura sa dalaga, isa lang ang ibig sabihin nito, ang pangatlong multong nagpapakita sa kanya ay isa sa mga bagong biktima ng Marionette Case.

MarionetteWhere stories live. Discover now