Five

1.6K 75 3
                                    

Five

Pakamot-kamot pa sa tyan habang lumalabas ng silid niya si Mhea, umupo siya sa sofa sa may sala at binuksan ang telebisyon, kagabi pa siya naghahanap ng balita para sa artikulo niya pero wala pa rin siyang makita na patungkol sa seksyon kong saan siya nilagay ng EIC nila, papikit-pikit pa na pinapanood niya kong ano ang balita sa umaga 'yon.

Napaayos naman siya bigla ng upo at tumutok sa mismong pinapanood nang marinig niya ang sinasabi ng reporter sa telebisyon na nakapukaw ng atensyon niya.

"... Karumal-dumal na pangyayari ang naganap kagabi dito mismo sa camping site sa gubat ng Pacific Bay kong saan may dalawang bangkay ang natagpuan matapos magsumbong ng isang binata sa mga pulis na may humahabol daw sa kanilang mamamatay tao..."

Mula sa likuran ng reporter may mga iilang nagkalat na pulis, nasa loob siya ng parameter na napapalibutan ng yellow line ng mga pulis sa mismo nasabing camping site kong saan nagkagulo ang mga gamit sa paligid.

"... Ang binatang nagsumbong ay isa sa tinitignan na suspek ng mga pulis na ngayo'y hawak nila sa mismong presinto ng Pacific Bay o PBPD, pagkatapos makalap ang mga impormasyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ang sinasabing salarin sa krimen at umiikot pa rin ang imbestigasyon, ngayon tinatawag nila itong Marionette Case."

"Mariontte Case?" Pag-uulit ni Mhea na pabulong niya itong sabihin, "ano 'yon doll?" Dahil sa biglang pagka-interes sa balita na baka maaring susunod niya itong artikulo, nagmadali siya sa kanyang pag-aayos, hindi na siya didiretso sa mismong opisina nila, dahil kailangan niyang mapuntahan sinasabi sa balita at ang binatang suspek sa nangyaring krimen.

***

Tulala, wala pang maayos na tulog at hindi pa nakakakain. Mag-isa si Wesley sa silda kong saan siya nilagay, pagkatapos siyang dalhin sa ospital kong saan patay na pala ang kaibigan niya, abot langit ang pagsisising nararamdaman niya hanggang ngayon, na sana hindi na lang niya iniwan ang kaibigan, na sinabay na lamang niya ito sa pagtakbo pero hindi na niya mababawi ang oras dahil nangyari na ang lahat.

"Sorry," paulit-ulit niyang binubulong sa kanyang sarili.

Sinabihan din siya ng mga pulis na na hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon at hindi pa dumarating ang mga magulang niya, hindi pa siya makakalaya, ang daming tinanong tungkol sa mga kaibigan niya, nagkaroon din siya ng drug test, alam naman niya kong bakit dahil pinaghihinalaan na siya mismo ang pumatay sa mga kaibigan, isang bagay na hindi niya kayang gawin.

Paminsan-minsang papalabasin siya dahil may mga reporter na hiningi ang salaysay niya ukol sa nangyari, paulit-ulit, bagay na paulit-ulit ding nagbabalik tanaw na sa kanya ang brutal na krimen na nangyari sa mga kaibigan niya, wala siyang ideya kong nalaman na ba ng mga magulang niya, wala rin siyang mukhang maihaharap sa mga tao, kakilala at lalo na sa mga magulang mga kaibigan niya, dahil tumakas lang sila para makapunta sa Pacific Bay para mag-camping, hindi ito alam ng mga magulang nila, isa pa sa pinagsisisihan niya.

Napasulyap siya nang marinig niya ang pagbukas ng silda niya, "may journalist na magtatanong sayo, sumunod ka sa akin sa interrogation room."

Wala siyang nagawa kong di ang sumunod sa mga sasabihin nila, wala na rin siya sa kanyang sarili, ang dumi ang buong damit na suot niya, hindi pa nagagamot ang iilang sugat niya, pakiramdam niya ilang araw na siyang hindi naliligo dahil sa dungis niya. Pumasok naman siya sa interrogation room, naiwan naman ang pulis sa labas at sinara ang pintuan ng silid.

Pang lima na ito na may dumalaw sa kanya para sa krimen na nangyari, may two way mirror sa kanang parte, may lamesa sa gitna, nakatapat naman doon ang nag-iisang ilaw, dalawang upuan, umupo siya sa bakante, sinulyapn niya ang babaeng kaharap niya, sa tingin niya mas matanda ito sa kanya ng kaunti pero may batang itsura, hugis puso ang mukha, maliit na ilong ngunit matangos, maliit na labi at mapupungay na mata, ang buhok naman nito ay hanggang balikat.

Nakasuot ito ng id, plain blouse na pinapatungan ng green army jacket na may mga iilang badges sa tabi. Ngumiti ito sa kanya, naglabas ng recorder na maliit saka pinatong sa gitna. "Hello ako pala si Mhea Zaragosa, isa akong journalist sa Global Newspaper, gusto ko lang sana makuha ang salaysay mo tungkol sa krimen na nangyari sa dalawa mong kaibigan, mga ilang katanungan lang naman, sandali lang ito."

May awa sa mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kanya, hindi na siya sumagot at tumango-tango na lamang.

"Ano 'yong kompleto mong pangalan, pwede ka bang magsabi ng ilang bagay tungkol sayo at kong sino 'yong mga kasama mo?"

"Ako si Wesley Rivera, second year college ng BSIT major in animation, taga-Westwood ako at doon din ako nag-aaral, si Pinky at Marlon ang dalawa kong kaibigan..." Hindi na niya namalayan na kinikwento na rin niya ang tungkol sa pagtakas nila para lang makapunta sa sikat na camping site ng Pacific Bay, kong bakit biglang nangyari ang lahat, ang sigaw ni Pinky, ang bangkay ni Marlon, ang pagtakas nila, ang pag-iwan niya sa kaibigan hanggang sa malaman niyang patay na ito, hindi rin niya namamalayan na lumuluha na naman siya dahil sa sinapit ng mga kaibigan.

Tumigil na siya nang alam niya hanggang doon na lamang ang alam niya sa nangyari, saka naman muling nagsalita si Mhea.

"Hindi naman sa hinuhusgahan kita Mr. Rivera, pero sabi sa balita isa ka raw sa suspek sa nangyaring pagpatay sa dalawa mong kaibigan, totoo ba 'yon?"

Pinaglalaruan niya ang mga daliri niya sa ilalim ng lamesa, diretso naman niyang sinagot ang huling katanungan, "hindi, hindi ko magagawa sa kanila 'yon."

***

Tumango-tango si Mhea sa huling sagot ni Wesley sa kanyang huling katanungan, awang-awa siya sa itsura ng binata, pasalamat naman siya at hindi mahigpit sa ganitong bagay ang PBPD para bisitahin ang binata at tanungin tungkol sa Marionette Case na sinasabi nila.

Kinuha niya ang tinapay sa kanyang bag at ipinatong ito sa ibabaw ng lamesa sa harap ng binata saka naman niya kinuha ang recorder niya at tinago sa kanyang bag. Nagtataka na kinuha ito ng binata, nginitian naman niya ito, "sayo na yan mukhang hindi ka na aalagaan dito eh, wag kang mag-alala makakalaya ka rito kong hindi naman ikaw ang may kasalanan aa nangyari," sabi niya sa binata.

Kosang dumako ang mga mata ni Mhea sa two way mirror na nasa likuran lang ng binata, naningkit ang mga mata niya nang may makita siyang tumutulong pulang likido mula sa itaas ng salamin, sa isang kurap bigla na lamang niyang nakita ang sariling repleksyon sa salamin na iba, duguan ang damit, pati na rin ang mukha, may butas ang isang mata at may tahi ang bibig.

Dahil sa gulat at pagkabigla, napaatras na lamang siya sabay tayo, natumba ang kinauupuan niya, nagulat din ang binatang kasama sa kanyang naging reaksyon, ang lakas ng kalabog ng dibdib niya, muli siyang tumingin sa salamin ngunit nakita na niyang muli ang sarili niya sa salamin, bigla na naman siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo, hindi na siya nagpaalam pa sa binata at dire-diretsong lumabas ng presinto, nang makalabas siya para siyang isda na kinakapos ng hininga, nakapamewang pa siya, pinagmamasdan na siya ng mga nagdaraan doon.

"Ano ba 'yong nakita ko?" Hindi niya alam kong totoo ba 'yon o namamalikmata lang siya dahil sa bilis nang pangyayari.

MarionetteWhere stories live. Discover now