Chapter 29

314 14 1
                                    


Sorry po sa mga foul words, kailangan kasi ^_^V

Chapter 29

"Mahal naman kita ah pero bakit mo ako iniwan!"

"Nahirapan akong aminin sa sarili ko na mahal kita tapos kung kailan tanggap ko na ganito lang?"

"Mahal kita. Mahal na mahal bakit mo ako iniwan?"

"Gago ka kasi."

"Balian kaya kita ng buto, tngna nung broken hearted ka dati pinakealaman ba kita? Sinuportahan pa nga kita di ba?"

"anong gusto mong gawin ko? Suportahan ko ang paglalasing at ang pag-iyak mo dyan? Umayos ka Ace halos dalawang buwan ka ng nagmumukhang tanga di ka pa rin tumitigil. Hindi mo ba aayusin buhay mo? Ang daming oras na ang nasasayang ko sayo imbes na para sa asawa at anak ko sana gugulin."

"Eh di masaya! Atleast may kasama ako." Konti na lang mababangasan ko na ang isang ito. Kung makapagluksa akala mo siya ang ginawan ng kasalanan. Siya naman ang dahilan kung bakit siya iniwan.

Napailing na lang ako habang nakaupo sa tapat niya at pinapanuod siyang lunurin ang sarili sa alak. Nandito na naman kami sa bar ni JD. Ang bar kung saan nilunod ko rin dati ang sarili ko sa alak para makalimot. Sinong mag-aakala na eto rin ang magiging Karamay ni Ace ngayon. Nandito lang kami sa isang pivate room kung saan kita ang lahat ng kaganapan sa bar. Simula kasi ng iurong ni Madison ang kasal ginawa na niyang bahay ang bar na ito. Pagkagaling sa trabaho diretso siya dito. Mabuti na lang hindi na napapabayaan ang negosyo pero nag-aalala na sa kanya ang lahat kaya inatasan akong bantayan siya.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang siya puntahan? I know you know where she is right now." Napatigil ito sa paglagok ng alak niya tsaka malungkot na ngumiti.

"She's happy now. Kahit hindi ko siya nakikita sa personal alam kong masaya na siya. All her pictures show how happy she is. She's happy with her life without me. You know what hurts the most? You want to be part of that life but you can't because you might ruin that happiness." I understand him.

Tumahimik na lang ako habang pinagmamasdan siya. Ganito rin ba ako noon? Or am I even worse than him? Why do I need to compare what I've been through with what he's experiencing now? We might have the same situation but I know the feeling will never be the same but it can help us to understand one another. Mabuti na lang tapos ako at masaya na ako sa buhay ko ngayon.

"Nung iniwan ka ba ni Leanne, naghabol ka ba? Hinabol mo ba siya? Nagmakaawa ka ba sa kanya?" Umiling ako bilang sagot.

"Tanga ka pala eh. Halos sirain mon a buhay mo noon dahil iniwan ka niya pero kasalanan mo rin naman pala kasi hindi ka naghabol." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Because she doesn't want to. Bago niya ako iniwan noon, nagmakaawa ako sa kanya. Lumuhod at nakiusap na huwag niya akong iniwan. Alam mob a kung anong sinabi niya sa akin?"

"na gago ka kaya dapat lang iwan ka." Sabi nito tsaka tumawa.

"Tsk. She told me to never beg for love." Napahinto ito sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin na tila hindi makapaniwala.

"She told you that?"

"Yes. Naalala ko pa ang mga sinabi niya noon. Never beg for love. Huwag kang magmakaawa para lang mahalin ka. Hindi ikaw ang dapat magmakaawa para mahalin ka ng isang tao, ikaw ang dapat niluluhuran para mahalin mo rin sila pabalik. Iyon yung mga sinabi niya noon." Biga itong natawa.

"Ikaw? Luluhuran nila para mahalin mo rin sila? Tsk! Ginagago mo ba ako?"

"She just told me that, okay? Ang sabi niya hindi naman si Diyos kaya hindi ko kailangang lumuhod sa harap niya. She even told me before to never forgive her if she'd done something wrong." Kibitz balikat kong sabi.

Perfect TogetherWhere stories live. Discover now