Chapter 8

285 13 1
                                    

CHAPTER EIGHT

"Dapat paglaki mo maging kasing gwapo ka ni uncle Ace."

Ngumiti ito na tila naintindihan ang sinasabi ko.

"naku, magiging chick magnet ka paglaki mo dahil nasa lahi natin iyon..."

"Tigil-tigilan mo nga yang mga pinagsasabi mo dyan sa anak ko. Mabuti nalang baby pa lang yan." Sinamaan ko ng tingin si BAD tsaka inabot sa kanya yung baby niya at umayos ng upo.

"Tingnan lang natin paglaki niyan. Magiging sakit sa uli mo yan, panigurado ako." naniniwala kaya ako sa kasabihang kung ano ang puno yun rin ang siyang bunga.

"Tarantado!"

"Nasan ba si Leanne ng maisumbong kita. Nagmumura ka sa harap niya."nakangising sabi ko at napansin ko ang medyo pagkataranta niya kaya natawa ako na sinabayan din ng pamangkin ko.

"Look at your face BAD! Kung hindi lang kita kilala iisipin kong under na under ka sa asawa mo."

"And so kung under ako? I love my wife so much kaya willing akong magpaka-under sa kanya."yung ngisi ko bigla na lang nawala at napalitan ng inis.

"Eh di ikaw na under." Siya naman ngayon ang tumawa.

"You'll be like me when you get there Ace."

"Hah!"

"...baka nga lagpasan mo pa ako dahil kakaiba si Madison. She's bossy-"

"Bossy yet gorgeous."

"Hot-tempered-"

"..yet cute"

"A sadist-"

"...my type"

"You love her-"

"...yes I do-what? Fck!" Nanlalaking matang sabi ko.

Tumawa ito ng malakas na kulang nalang alisin niya sa pagkakakandong yung anak niya tsaka magtatalon sa tuwa.

"You son--"

" of my father? Of course!"

"Kung di lang kita pinsan at kung wala ang anak mo sa harap ko ngayon kanina pa kita nabugbog hinayupak ka."

"Singit ka kasi ng singit ayan tuloy."

Malay ko bang yun ang sunod na sasabihin niya? bakit nga ba yun ang nasabi ko. Tarantado ka talaga Ace.

"nasan ba ang asawa mo?"pag-iiba ko ng usapan.

"Namasyal." Simpleng sabi nito at nakipaglaro sa anak niya na nakangiting nakatingin dito.

A perfect picture of love and contentment between father and son.

"Pinayagan mo? Paano kung may bigla siyang makabangga sa daan tapos lalaki iyon at ma-inlove siya doon. Iiwan ka niya tapos-"

"Seriously?" Napaubo ako kunwari at iniwasan ang tingin niya.

"Anong nakain mo Ace at kung anu-ano ang naiisip mo? You just went to Davao and you got crazy. Sa tingin mo ganun kadali iyon? I know my wife very well." Sabi nito at tumingin muli sa anak niya.

"We love each other so much kaya hindi niya magagawa iyon and besides I have her heart. Kinulong ko na iyon sa puso ko so there's no way in hell she'll fell for another guy."

"Tngna korni-aray!"

"Isang mura pa ipapakaladkad na kita palabas ng bahay namin."

"Tsk! Sinong kasama niya?"

"Her friends. Magbo-bonding daw muna sila at sasamahan si Bea sa pagbili ng gamit para sa baby niya."

"Bakit hindi yung asawa niya ang isama sa pagbili ng gamit ng anak nila. Weird."

Perfect TogetherWhere stories live. Discover now