Chapter 5

491K 9.5K 346
                                    


He knows something. Hindi ako nagkakamali, dahil pakiramdam ko may alam talaga siya at iyon ang kailangan kong malaman. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang alam niya, or else we will proceed to the Plan B.

Kailangan kong malaman kung hanggang saan ang alam niya. I need to do something before things get worse. Kailangan gamutin agad ang sugat bago pa ito lumala at lumaki pa.

Sumimsim muna ako ng wine at inilapag ulit ito sa gilid ng bathtub.

Naisipan niyang magbabad muna sa bubble bath dahil nagsisimula na namang mastress si Cassy. She doesn't want to get stressed and no one wants her to get stressed either. Dahil iba siya kapag na stress, iba ang ginagawa niyang stress reliever kaya mas mabuti na mag-babad muna siya sa malamig na bubble bath.

She closed her eyes and relax herself in the cold bath.

Napadilat si Cassy nang maramdaman niyang may ibang tao sa loob ng bathroom.

"Say cheese..."  Agad niyang hinarang ang kamay niya sa mukha niya nang makita niya si Arriane na may dala itong camera at sunod sunod na pag flash nito sa harap ng mukha niya.

Mabilis na inilubog ni Cassy ang katawan sa loob ng mga bula sa bathtub at doon niya sinipa ang kamay ni Arriane upang mabitawan ang camera na hawak nito.

Ngunit nabigo siya dahil mabilis itong umiwas habang tumatawa.

That bïtch!

Mabilis na kinapa ni Cassy ang towel niya na nakatupi sa gilid ngunit naabot agad ito ni Arriane at sinipa itop papalayo.

Tawa lang ng tawa si Arriane habang kinukuhanan ng video si Cassy na pilit na tinatago ang katawan nito.

"Stop it Arriane!" Matigas na sabi ni Cassy ngunit hindi parin natinag si Arriane.

Napatitig si Arriane sa screen ng camera niya nang makita mula doon na nag-inat ng ulo si Cassy, nawala ang ngiti ni Arriane na tumunog ang buto sa leeg ni Cassy habang nag-inat nito.

Alam na niya kung ano ang susunod na gagawin nito sa kanya. Alam niya kung ano ang susunod na mangyayari kapag nag-inat na ito mg leeg nito.

"Oh shit no" Mahinang sabi ni Arriane. She'll be dead. Bago pa makaatras si Arriane ay biglang tumakip sa kanyang mata ang bula na alam niyang tinapon sa kanya ni Cassy.

Mabilis niyang tinangal ang bula sa mata niya at nang makadilat siya ay nasa harap na niya si Cassy na nakatapis na ng tuwalya.

Agad niyang inilayo ang kamay niya na may hawak na camera nang abutin ito ni Cassy ngunit kinuha lang ni Cassy ang braso niya at hinila siya papalapit sa bathtub. Ginamit naman ni Arriane ang paa niya upang sipain si Cassy at mabitawan siya pero mukhang kulang ata ang lakas ng sipa niya dahil narin siguro sa madulas na sahig dahil mabilis ang paa ni Cassy na sipain siya papunta sa bathtub. Muntik ng mahulog si Arriane sa loob ng bathtub mabuti nalang at napakapit siya sa gilid nito at mabilis ang kamay niya na hilahin ang binti ni Cassy upang madulas ito, ngunit bago pa niya mahila ay nagulat siya ng marinig niya ang malakas na paghampas ni Cassy sa isang bakal. Napatili siya dahil sa lakas ng pressure ng tubig na tumama sa mukha niya, halos hindi siya makahinga akaya mabilis na tumayos si Arriane upang iwasan ang tubigna tumatama sa mukha niya ngunit bago pa siya makatayo ay nadulas naman siya papasok sa loob ng bathtub.

"Arghhh!" Malakas na tumili si Arriane habang pinipilit na tumayo sa bathtub.

Napailing nalang si Cassy habang naglalakad ito palabas ng bathroom.

"What's going on?" Bungad ni Shy habang nakakunot noo na sumisilip sa loob ng bathroom.

"I think the faucet in the bathtub is broken" Walang emosyon na sagot ni Cassy habang naglalakad ito papunta sa walk-in closet niya.

Si Shy naman ay umiiling iling na tinitignan si Arriane.

"Mukha kang timang diyan" Natatawang sabi ni Shy.

"Fuck you!" Sigaw din nito sa kanya.

"Tumayo kana diyan at tatawagan ko na ang tubero. Baka maabutan ka pa diyan na nakaganyan" Natatawang sabi ni Shy.

"Kung tulungan mo kaya ako dito kasi masakit ang balakang ko!" Reklamo ni Arriane kay Shy.

"Babaha na 'yan diyan, bahala ka tatawag na ako ng tubero" Tumawa na sagot ni Shy at tumalikod na ito. Mas lalo itong natawa nang marinig ang mga tili ni Arriane.

"I'll kill you!" Sigaw nito sa kanya.

***

"Diamond, I want you to know how much they know about us" Seryosong sabi ni Cassy habang nasa harap sila ng hapag kainan

"Ace, you'll be in charge of checking their whereabouts"

"Spade, can you hack the system that the university is using or can you hack the emails?"

"A piece of cake" Nakangising sagot ni Spade.

"Heart, you're in charge of setting the bug in the headquarters and I'll give you the flash drive that will scrape data's in Vladimir's computer"

"In case you didn't know, Nerdy Tuck is a computer genius so he will find out that someone is scraping a data" Sabat ni Spade habang nakafocus ang mata sa paghihiwa ng steak nito.

"So he has a nickname now" Nakangising sabi komento ni Ace.

"I thought you hate guys, Spadey?" Nakangiting tanong ni Heart.

"Whatever I'm just doing my job" Pinaikot lang ni Spade ang mata niya.

"Enough, we need to get this through before anyone finds out" Seryosong sambit ni Cassy habang mariing nakatingin sa steak na ulam nito na parang nandoon ang taong kinamumuhian niya.

"Mas matagal na matapos mas marami silang malalaman" Dagdag ni Ace.

Nasa gitna kami nag hapunan nang biglang tumunog ang door bell. Hindi ko inangat ang tingin ngunit ramdam ko na nagtinginan sila.

"Get that" Mataray na sabi ni Arriane kay Heart na patay na malisyang sumisimsim ng red wine.

"No, you get that" Kibit balikat na sagot nito sa kanya.

"Shy, come on tignan mo sinong nasa labas" Taas kilay na sabi ni Arriane.

"Ikaw ang unang nakarinig, ikaw ang pumunta" Walang ganang sagot nito habang ngumunguya ng steak habang ang mata nito ay nakatuon sa tablet na nasa gilid ng plato nito.

Napagawi ang mata ni Arriane kay Daughne at agad itong umiwas ng tingin.

"May naririnig ba kayo guys?" Umakto ito na parang hindi alam ang nangyayari.

Naramdaman kong agad na napalingon sa gawi ko sa Arriane at tinaasan ako ng kilay. Ngunit agad din itong sumuko nang maisip siguro nitow na wala akong plano na lilingon sa kanya.

"Ugh! Am I the only normal person here?" Reklamo nito at ibinagsak ang tinidor at table knife na hawak nito at bagsak ang mga paa na naglakad papunta sa screen upang tignan kung sino ang nasa labas ng gate. 

Naningkit ang mata ni Arriane nang makita niya ang pamilyar na mukha na nakatayo sa harap ng gate na puno ng kuryusidad na tumitingin sa paligid.

"What is he doing here?"


XoXo justinegeez <3










The Gangster Chick [UNDER MAJOR EDITING] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon