Chapter14 : Concerned

411K 7.9K 270
                                    

Unedited version. MADAMING ERROR SOBRA!.

The Gangster Chick 14

"Dude. Anong ginawa mo kay Cassy sa party ng Tita mo?" sumalubong agad sa akin si Zack ng makapasok ako sa School. Nagkibit balikat lang ako

"I don't know kahit ako akala ko Fairy tale yun naman kasi ang sabi ni Tita" sabi ko at naglakad ulit

"Kilala mo si Tita Cella dude lagi ka nung pinagtitripan di ka na lang natuto sa birthday mo noong 16 ka?" bakit hindi ko naisip yun? Oo nga naman lintik talaga yung Tita ko na yun palibhasa wala siyang anak kaya ako ang laging napagtitripan. Gawin ba namang costume party ang birthday ko? Sobrang hiya ko talaga nun dahil nilagyan ang inumin ko ng Sleeping Pills tsaka pinasuot ako ng Superman? Yung walang kwentang superhero na labas ang brief?

"Dude"

"Hmm?" tinignan ko lang si Dred na bagong pasok sa HQ namin

"May umalis na namang tatlong student kanina"

"ANO?" napaayos ako ng upo. Bakit habang tumatagal madaming umaalis na student? Halos 20 na ang student ang nag-transfer at kawalan na yun sa School ko.

"Ano naman rason?" sabi ko pero umiling lang siya

"Walang sinabi pero magkakatulad lang sila"

"What do you mean?" anong magkakatulad?

"Magkakatulad lang na may maraming pasa sa katawan kahit babae man o lalaki" marahan akong napahilot sa sentido ko.

Ano na naman ang problema ng School ko?

"I think it's Black Cards" sabi ni Zack ng seryoso. Mukha nga. Minsan binibigyan ako ng black cards kaya malamang sila yun.

Nag-smirked lang ako "Walang kwenta silang kalaban...mga duwag" gigil kong sabi at kinuyom ang kamao ko. Walanghiya kayong Black Cards dinadamay niyo pati sibliyan.

-

"Kawawa naman si Cassy" biglang sabi ni Rainer kaya napatingin ako sa tinitignan niya. Si Cassy na naman ang binubully ng mga student at pinagtatawanan pero deadma pa rin.

Naalarma ako ng sabunutan siya ng isang babae.

"Hey, Easy lang Girls" sabi ko sa mga babaeng member ng isang sorority.

"H-Hi Vlad" sabi nila at kumaway sa akin. Pero bago pa ako makalingat ay naglakad na si Cassy paalis. Bastos talaga tong babaeng 'to

"Hindi ka man lang magpapasalamat?" habol ko sa kanya

"Why would I? Did I ask your help?"

"Hindi pero kailangan mo ng tulong"

"It's all because of you" sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad. Kinausap niya ako? Hindi naman sa ganun pero parang may kakaiba sa way ng pagsasalita niya.

Ano kayang nakain ng babaeng yun?

-

"Tumahimik kang Conyo ka! Wala ka bang alam na straight tagalog?"

"What? Meron kaya" nasapo at napahilamos na lang si Zack sa mukha niya gamit ang palad. Kanina pa yan nag-iingay kasama itong babaeng walang matinong masabi. Ang ikinataka ko kung bakit sila magkasama? Close ba 'to?

"Arrianne" sigaw ni Dred at kumaway sa kaibigan ni Cassy at sumenyas "Dito" tapos tinuro kami. She rolled her eyes bago nagpatuloy sa paglakad at umupo sa table.

"Hehe....Nandito lang pala kayo Guys..pwede maupo?" masayahing bati ng isang kaibigan ni Cassy yung isip bata. Umirap lang si Rainer.

"Hindi pwede maingay dito" sabi ni Rainer pero nag-pout lang ang kaibigan ni Cassy.

The Gangster Chick [UNDER MAJOR EDITING] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon