Chapter 26

67.6K 702 85
                                    

Chapter 26

Therese's POV


"Joke lang!hahaha, ikaw talaga, biro lang yun, sige Goodnight na, alis na ako baka magtanong na naman yung inay mo kung bakit ang tagal mo" sabi nya

(=___=) sabi ko nga eh, mapagbiro talaga tong si Stephen

Pagkatapos nun umalis at sya, at ako namay syempre pumasok na sa bahay, ahahhaha


"Inay si Itay po?" tanong ko

"Hay naku, maagang natumba sa trabaho anak, tulog na, nakakatawa nga kasi muntikan pang mabangga yung itay mo kanina kasi nagpapaturo sya kung pano mag drive nung kotse, eh alam mo bang ginawa ba namang parang kabayo yung sasakyan at may pa "hiyaaaaaaaaaaaaa tagidig tagidig" pa talaga sya. Sobrang natawa daw yung nagtuturo sa kanya, hay ang itay mo, hahaha" sabi ni inay

"Sige si itay na talaga, hahaha" sabi ko

"Hoy ikaw Therese ha, nung isang araw yung gwapong kano, tapos ngayon gwapong kano na naman?

(=__=) hayan na naman, akala ko ba tapos na kami


"inay naman eh sabing kaibigan ko kang ung dalawa eh, inay talaga, napaka dumi nyo mag isip.
Ang dami ko ngang kaibigan na babae dun" sagot ko


"anak siguraduhin mo ha,baka isang araw umuwi ka dito tapos sasabihin
mong boyfriend mo na pala ung isa sa kanila"

(-___-) tignan mo nga itong si inay


"grabeh ka naman mag isip nay ang di halatang advance" sabi ko

"O sya tulog kana, gabing gabi na oh" sabi ni inay

"Goodnight inay, sige po tulog na ako"

Hay parang ang haba ng araw ko ngayon, ang daming nangyare parang halos di ko na maalala yung iba sa dami



kinabukasan


Nung matapos na akong gumising ay ginawa ko na ulit yung ritwal ng isang estudyante yung maligo at magbihis at tsaka bumaba para sa almusal (^___^)

Actually Linggo ngayon kaya walang pasok, yehey



"Anak, Marta dahil Linggo ngayon, mamamasyal tayo sa Maynila, okay ba yun?' sabi ni itay habang nag aagahan kami at yung ulam namin ay piniritong tamban

(^__^)

"Talaga itay?Waaaaa, ang saya naman nun, san naman po tayo mamamasyal?"



"Well mamaya nyo na malalaman" sabi ni itay

Nung matapos kaming kumain ay nagbihis na kami para makapunta sa papasyalan daw namin

Yung ina naming pinuntahan ay Luneta Park, well para sa isang estudyanteng katulad ko gusto ko ring makarating dito kasi makasaysayan kaya tong lugar na ito, ang ganda ganda nga ng lugar ang daming tao pami pamilya yung karamihan na nandito at ang sayang tignan (^__^)

Bago kami magpatuloy sa susunod na papasyalan eh nagsimba muna kami sa Manila Cathedral, grabe ang ganda at makasaysayan din itong pinagdasalan namin, ang luma luma na nung itsura pero ang ganda. At nung matapos na yung misa eh oras na para magtanghalian nun kaya pumunta kami sa Mang Inasal! Ang sarap nung manok na sinugba nila, ang sarap at nagulat ako kasi may ganito palang kainan na walang katapusan yung serving nung kanin at tsaka yung juice, unli rice yata yung tawag, ahahaha nagulat nga kaming tatlo, hahaha kami na talaga


Pagkatapos mabusog ay umalis na kami at pumunta sa sumunod pa papasyalan, yung La Mesa Eco Park, hahaha nung una akala ko puro seesaw, slides at dmonkey bars yung makikita ko kasi Park eh, pero nung pumunta kami, wow ang ganda pala, parang Bohol na nasa Maynila yung itsura, ang ganda ngada at nakakarelax yung paligid. Sila inay at itay nako sobrang saya kasi parang Bohol lang daw yung feeling na nandito, hehehe nakakatuwang malaman na meron rin palang tinatagong ganda dito sa loob ng syudad, marami rin kaming ginawa dun, nag bike, naghanap ng mga isda at marami pa, hahah ang saya.

Nung gumagabi na eh umalis narin kami sa La Mesa para puntahan yung panghuling ditinasyon sa araw na ito.

Manila Bay!

Grabe, ang ganda nung dumating kami, nakakamangha yung ganda nung mga buildings na makikita dito, ang simoy ng dagat nakaka relax din, waaaa ang galing talaga ang dami pang mga love birds dito, ahahha si itay sinasabi pa sa akin na wag daw akong tumingin, hahaha itay talaga, di ko naman sila gagayahin eh ahhha, parang nakalimutan ko na tuloy yung mga problema ko sa buhay.

Minsan kasi maganda yung inaaliw mo at binibigyan mo ang sarili mo ng break paminsan minsan mula sa magulo at komplikadong realidad ng buhay kasi nagpapagaan at nagpapanatag lalo sa sarili yun, hahaha tama ba? Gaya nung ginawa namin ngayon, sobrang pasalamat ko kay inay at inay kasi hindi lang ako yung naging masaya, kaming lahat, nagkaroon kami ng magandang quality na oras sa isa't isa, sa busy ko ba naman sa paaralan at ni itay sa trabaho ay dapat meron kaming ilaan para sa isa't isa kasi yan yung magiging paraan upang maging mas masagana yung pagsasama ninyo, ahaha tama ba ulit ako?


Nung matapos kaming maglibot libot ay kumain kami sa Jolibee ulit, ahahah ang saya saya ng araw ko, nakalimutan ko na lahat ng problema ko, pati an yung kagabi, nakakagaan na ng loob. Salamat Lord sa napakagandang araw nato kasama ang pinakamamahal kong inay at itay. Ang saya saya, handa na akong harapin ulit ang mga hamon ng buhay




end of Chapter

Hi, The Ignorant Princess is now published under LIFEBOOKS PUBLISHING at mabibili na sya sa mga bookstores near you! Sana suportaan mo , 99.95 Pesos Lang :)

Salamat     d(^__^)b

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon