Chapter 5

91.8K 1K 187
                                    

Blessing or Bad Luck


Therese's POV

Ngayon na yung araw na magaaral ako at grabe ang tension na nararamdaman ko, basta, waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Di ko na maipaliwanang.

Dali dali akong naligo at alam nyo bang hanggang ngayon? Di ko parin kilala tong mga gamit na nasa cr namin, yung tubo na may butas yung parang malaking plangana na may bula bula at marmai pang iba. Ikaw ba naman ang masanay na sa ilog o kundi naman sa balon naliligo, sorry na talaga, ako na ang ignoranteng ignorante, kumuha nalang ako ng tabo at nag pa agos ng tubig sa balde at naligo.

Pagkatapos na pagkatapos kung maligo ay nagbihis ako, syempre yung uniform ko ang ginamit ko at naku ang ganda ganda ng uniform, hindi yung nagsusuot.

" o anak kain kana mukhang excited ha" sabi ni inay

"hehehe inay sasama ba kayo sa akin? First day of school eh?" sabi ko kay Inay

"hay nako anak malaki kana kaya mo na yan"inay

Sabi ko na nga ba eh, si inay talaga, kinakabahan ako eh

WOW, may bago nanaman ang kinakain ko, ito sha o, kulay pula tapos bilog na mahaba, tapos isasawsaw sa ketchup at may kasamang itlog, hay ewan ko ba kung anong mga pangalan nito, basta kakain na ako, gutom ako eh.

(after kumain)

"oo eto anak baon mo" sabi ni inay sabay abot ng pera

At muntikan ko nang mabitiwan ang pera kasi naman, nagulat na naman ako sa baon na binigay ni inay, 500 pesos ang binigay nya, shocks ako, ngayon lang ako nakahawak ng 500 pesos, swear promise mamatay pa si batman. Baon ko lang kasi doon sa probinsya 5 pesos kundi 3 pesos minsan nga wala eh.

ANO NAMAN KAYA MABIBILI NITO ANG LAKI LAKI, BAHALA NA NGA, IBIBIGAY KO NALANG ANG SUKLI MAMAYA

Sa kunaunahang pagkakataon eh sasakay ako ng taxi ng mag isa ng wala sila inay at itay bat di nila ako sinamahan eh 1st day pa naman ng school ko, si inay kasi eh, bahala na nga basta makarating lang sa school at tsaka section ko na lang naman ang titignan ko tapos papasok na ako, wala rin kasi si itay, dinala nya yung sasakyan namin, may miting daw sya kasama yung financial adviser nya.

Binigay ko sa mama yung address ng school namin at halatang nagulat sya, pagkatingin nya sa akin ano kayang meron sa suot ko?

Maya maya nagsalita si kuya at may ginawa syang ikinagulat ko

*click*

may kinuha syang bagay tapos kumislap sa akin sabay sabing

"sensya na maam ahh, pinictura kita, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng pasaherong nag aaral sa OXFORD EH eh, kasi puro mamayaman yung nagaaral dun at alam nyo na dream school kasi yan ng anak ko at ipapakita ko sa kanya mamaya ang picture mo, na kahit picture man lang ay makakita ang anak ko ng estudyante sa Oxford na kagaya nyo" sabi ni kuya tapos nag drive na ulit

(o___o) ako?

Anong meron sa aaralan ko? At picture pala yun? Uwahahahahahha di ko ma gets ang ibig sabihin ni kuya, di ko man lang alam na sikat pala yung paaralan ko! >__________<

(AFTER 30 MINUTES NAKARATING NA AKO)

Nag bayad ako ng 500 tapos 350 na lang ang sukli ko, grabe ang mahal naman nung taxi, ehhhhhhh sayang yung pera kung alam ko lang na ganito kamahal ang taxi eh sana nag lakad nalang ako papunta dito.

nahinto kami sa tapat ng school gate namin

(>______<)

"Welcome Back Students of OXFORD MIDDLE HIGH SCHOOL" yan yung nakasulat sa harap ng gate, grabe, napakaganda, di ko naman kasi nakita to nung una kasi sa bahay nga ako nag take nung entrance exam, grabe, kinabahan tuloy ako,papasok ba ako o hinde? Ano ba to, sige papasok na ako.

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon