Chapter 21

70.2K 906 158
                                    

Chapter 21


Therese's POV

Makakalabas pa kaya ako dito? Kanina pa yata ako liko ng liko dito, sa pagkakalam ko dito yung daan eh. Pero hindi talaga ako sigurado kung heto yun. Ay anu bayan. Nalilito na talaga ako.

"Malapit na siguro to, ay oo nga dito talaga yung dinaanan namin kanina" sabi ko sa sarili ko ng makita ko yung balat ng kendi na kinain kanina ni Czarina.


Malapit na ako sigurado

*lakad*

*lakad*

Dito ba yung daan? Pero teka?

(o___o)

Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko kung ano yung uri ng hayop na nasa haparan ko. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin ko, parang na blanko yung utak ko. Anong gagawin ko? Hindi ako makakilos.

Yung hayop na nasa harapan ko, ang laki at sobrang bangis.

"Therese, kalma lang okay? Kalma ka lang, okay lang talaga yan, okay lang talaga!" pangungumbinsi ko sa sarili ko

Hindi ko maigalaw ang katawan ko, parang pakiramdam ko, heto na yung pinaka nakaka sindak na pangyayari sa buhay ko.

"YUNG MAKAKITA NG CUTE NA CUTE NA TIGER!" kyaaaaaaahhhh, ang cute cute ng tiger! Sayang tulog sya kaya nga di ako makakilos ng maayos kasi baka gumising si tiger at maabala ko pa sya sa tulog nya, sayang sana gising sya para mas exciting ang cute cute kasi eh, ngayon lang ako nakakita ng totoong tiger sa buong buhay ko, nakaksindak na pangyayare, ang saya!

At dahil tulog si Tiger eh umalis nalang ako at nagpatuloy sa daanan na tinatahak ko, at pakiramdam ko malapit na malapit na ako.

Sa Wakas! Nakita ko na yung gate, yehey buti nalang nalutas ko na yung parang puzzle na daanan dito.

Salamat po Panginoon sayang tulog si Tiger.

End of POV


Princess's POV



*RAWR*

Hahaha tinig siguro yun ni Tiger, well buti naman, baka nalapa na nya yun, wala naman palang kahirap hirap iligpit ang babaeng yun, she's very tanga lang.

We're in the tea station sa labas nung park namin, well we are having our victory party today ika nga.

"Mukhang nag pipyesta na si Tiger sa loob ngayon, hahahaha" tawa ni Czarina

"Hahahaha" tawa naming tatlo

Poor Therese, pinagalit mo kasi si Princess, hahahaha well see you nalang when I see you, baka sa heaven na yun kasi of course sa heaven din naman ang punta ko no.

End of POV




Therese's POV


Nung makalabas ako, naku ang dami kong pawis, buti nalang at nandito na ako sa bukana nung gate, nakikita ko na nga sila Princess, mukhang may tea session sila ah, baka napagod sila sa kakatago kaya ganun.



"HI SA INYO, TAYA NALANG AKO ULIT KASI DI KO KAYO NAKITA, HAHAHAHA NALIGAW AKO EH"
sabi ko ng may malapad na ngiti sa kanila



"poooooooooooooooooooooooooooooo ( biglang buga ng tea na iniinom ni Princess kay Gail)"

Nagulat ata silang tatlo ng makita nila ako

"Ahh eh, KAMUSTA?" tarantang sabi ni Princess

Bat nagulat yata itong tatlo ng makita ko nila ako? Si Gail, hindi na maka react ng nabugahan sya ng tea sa damit nya.

"Hahahahahaha si Therese, nakalabas! Hahahaha how epic" sabi naman ni Czarina sabay tawa

"Ahh, ehh, common Therese, maupo ka, naku saan ka ba nagpunta at nawala ka bigla? Ahm, tea you want? Para makapagpahinga ka? Are you okay?" tanong ni Princess

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon