Chapter 27

10.4K 171 11
                                    

NAKATINGIN lang si Wesley habang papalapit sa kanya ang matandang babae. Naglalaro sa isipan ang alaalang habambuhay nang tatak sa kanyang pagkatao.

"Saan kayo galing ni Charmaine?" Agad sumalubong sa mag-ama ang tanong ni Don Antonio pagdating na pagdating nila ng mansyon. Aristokrato itong nakaupo sa sofa nila.

Karga ni Wesley ang noo’y tatlong taong gulang na si Charmaine. "Sa park ho, papa, namasyal kami nitong bata," pagdadahilan ng binata. Nagdalawang-isip siya kung sasabihin nga ba sa don na ang totoo, iniiwan niya ang bata sa tunay nitong ama sa tuwing pumupunta sila ng park ngunit alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Don Antonio.

Tumayo mula sa kinauupuang couch ang don at tumayo sa harap ng binata. May pagdududa sa mga mata nito."Napapadalas yata ang pamamasyal ninyo nung bata, Wesley."

Pilit kinalma ni Wesley ang sarili. "I just want to be closer to my daughter, Papa." Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa bata.

Napahawak ang matanda sa balbas nito at hinagod-hagod iyon habang matamang kinikilatis ang mukha ng binata. Tila nais nitong matiyak kung nagsasabi nga ba talaga siya ng totoo.

Pinili niyang gawing blangko ang emosyon.

"I told you, Wesley, I have never wanted you to be that child’s father," pagpapaalala nito.

"But that’s the role I should play in this child’s life," kontra niya. 

"That’s the role Victoria wants for you," paglilinaw ng matanda, "but I never said what I want."

Lalong sumeryoso ang mukha ni Wesley at sa unang pagkakataon ay gumanti siya ng masamang tingin sa ama. "Ano hong ibig ninyong sabihin, papa?" seryoso niyang tanong sa matanda. Tila nakalimutan na rin niya ang bigat ng batang karga niya.

"I have never wanted you to be that child’s father, Wesley. I want you… to be her husband when she reaches the right age." Ngumisi ito matapos sabihin iyon.

"Papa, alam ninyong hindi pwede ang sinasabi ninyo, isa rin hong Villaroso ang bata,” aniyang pilit ipinaintindi sa ama ang kahibangan ng nais nitong mangyari.

Saglit na tumahimik ang don bago ito muling nagsalita. "Ngunit hindi ka naman isang tunay na Villaroso, Wesley," mayamaya’y wika nito.

Nagimbal si Wesley sa sinabing iyon ng ama. Hindi niya ngayon malaman kung nagdadahilan lamang ba ito para ipagtanggol ang kagustuhan o kung desperado na ito.

"P-pero Papa, kahit anong mangyari, hindi maaari ang sinasabi ninyo. At napakabata pa ni Charmaine para pagplanuhan nang katulad nito ang buhay niya," wika ng binatang pilit binubuksan ang isipan upang intindihin ang ama.

Puminta ang kalungkutan sa mukha ng matandang Villaroso dahil sa sinabi niya.

Marrying My Father [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon