Chapter 3

20K 389 68
                                    

Trinie's Note: Dedicated sa kanya dahil ang persistent niya. Ubeeeer~ XD
Salamat po sa mga nagbabasa. ^_^

ENJOY READING!

--

Chapter 3

"D-DAD?"

            Nabitiwan ni Charmaine ang hawak na daisy dahil sa pagkagitla. Hindi niya kailanman inakalang sa daddy niya pa pala manggagaling ang salitang iyon. 

"I said... I want to marry you, Charm," pag-uulit nito sa sinabi.

Ginusto niyang isiping nagbibiro lamang ang ama ngunit seryosong- seryoso ang emosyong nakapinta sa mukha nito.

Mapait na ngiti ang sumilay sa magandang mukha ng dalaga.

Ang totoo, gulong-gulo ang isipan niya at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Naitanong niya rin sa sarili kung bakit sa lahat ng tao, sa ama niya pa manggagaling ang mga salitang iyon.

"D-dad, anak mo ako… pero bakit?" Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Charmaine. Kasabay niyon ang pagtatanong ng bakit nga ba siya? Hindi ba nga mga babae pa ang nanliligaw rito? Bakit hindi na lang ito pumili sa mga babaeng ‘yon? Bakit siya pa?

"I love you, Charm… not just… not just a fatherly love," puno ng determinasyong pahayag nito. "Alam kong nabigla ka sa sinabi ko. Alam ko ring naguguluhan ka sa ngayon pero darating ang panahon na maiintindihan mo rin ang lahat."

"Maiintindihan? Dad, gusto kong maintindihan ang lahat ngayon! Kung… kung nagbibiro ka lang kasi, di 'to magandang biro e. Please ...don't spoil my day, Dad." Nagmamakaawa ang mga mata ng dalaga. Hindi niya matatanggap ang mga sinabi ng daddy niya. Ito ang pinakahuling taong iisipin niyang magsasabi sa kanyang gusto siya nitong pakasalan. Iyon ang dahilan kung bakit pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya dahil sa mga nangyayari.

"Charm, Anak, intindihin mo sana ak--"

"’Yun na nga eh! Anak mo ako!" bigla niyang putol sa sinasabi nito. Sinapo niya ang noo at ipinikit ang nag-iinit na mata. Ginusto niyang pigilan ang pag-agos ng luha ngunit para itong may sariling isip na tumuloy sa pagdaloy.

Iminulat niya ang mga mata, umaasang sana, hindi ang sitwasyong kinalalagyan ang bubungad sa kanya… ngunit nabigo siya.

Huminga siya nang malalim bago itinuloy ang sasabihin. "Tama ka Dad! Anak mo ako!" nagsimulang gumaralgal ang boses ng dalaga. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib kahit alam niyang wala naman siyang sakit sa puso. Marahil dahil hindi niya matanggap ang sinabi ng daddy niya. Hindi niya iyon kailanman matatanggap. "Hindi tayo pwedeng magpakasal kasi nga anak mo ako!" pinakadiin-diinan niya ang salitang ‘anak mo ako', umaasang matatauhan ang daddy niya sa pamamagitan niyon.

"Charm..." nasambit ng senyor. Tinangka nitong hawakan ang kamay ng anak ngunit hindi pa man, inilayo na ni Charmaine ang kamay niya.

Tinitigan niya ito nang may pagtatanong sa mga mata. Dumaan ang ilang sandali at tumango siya nang marahan. "Aaahhh, alam ko na Daddy, nami-miss mo si Mommy ‘di ba? Nami-miss mo siya kaya… kaya iniisip mo na kaya kong palitan ang lugar niya... 'di ba?" aniyang pinipilit sariling magkaroon ng dahilan para sa mga ginagawa nito.

Hindi ito sumagot at saglit na katahimikan ang muling namayani sa kanila. Tanging ang mga paghikbi niya lang ang maririnig.

"Ano na Dad? Natauhan ka na ba, ha?" putol ng dalaga sa katahimikan. "Natauhan ka na ba at na-realize mo na mali 'tong ginagawa mo? Na hindi pwede 'to? Na incest ang gusto mong mangyari? Bawal sa mata ng Diyos at nakakadiri sa mata ng ibang tao? Iniisip mo na bang masisira ang reputasyon mo sa negosyo?" Kung ano-ano na ang binanggit niyang dahilan para lang matigil sa kahibangan ang ama. Hindi siya makapapayag sa gusto nitong mangyari. Hindi siya magsasawang sabihin sa sariling hindi siya papayag sa gustong mangyari ang daddy niya.

Ayaw niyang mawala ang respeto niya rito bilang ama, ang lahat ng mga alaala nila, ang lahat ng pagmamahal niya rito... Ayaw niyang mapalitan ng galit ang lahat ng iyon. 

Bumuntong-hininga ang senyor, tila humuhugot ng lakas ng loob para sa susunod na sasabihin. "Charmaine, kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin ang sitwasyong ‘to. Akala mo ba ginusto kong mahalin ka? Sana nga hindi ka na lang ipinanganak para hindi na ako nahihirapan nang ganito." Nangilid ang luha nito, bagay na bago para kay Charmaine. Noon niya pa lang nakitang lumuha ang ama.

"At akala mo ba, hindi ako nasasaktan sa tuwing tinatawag mo akong Daddy, ha? Labing-walong taon Charm, labing-walong taong daddy ang tawag mo sa akin. Hindi ako ‘yon, Charm, hindi ako ‘yon! Pero para lang makasama kita, tiniis kong maging ama sa'yo!"

Napakunot ang noo ng dalaga sa mga huling sinabi ng daddy niya.

Naitanong niya sa sarili kung ano  ang ibig nitong sabihin o kung bakit ganoon ito magsalita.

Lalo pang nagulo ang isipan niya.

Marrying My Father [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon