Chapter 1

33.6K 525 89
                                    

CHAPTER 1

NAHIHIMBING si Charmaine nang may mahihinang katok na gumising sa kanya.

Marahang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang daddy niya.

"Good morning, Baby! Happy birthday! Breakfast in bed!" masiglang bati nito nang mapansing gising na siya. Nakapinta sa mukha nito ang isang ngiti habang patungo sa kama niya.

Inilapag nito ang hawak na tray sa side table ni Charmaine.

Napangiti siya nang makitang may takip ang mga pagkaing dala nito. Sigurado siyang may niluluto na namang kalokohan ang daddy niya.

"So, how was the sleep of my birthday princess?" tanong nito nang makaupo sa tabi niya. 

"Hmmn, ‘twas fine but sleepy still." Sinundan niya pa ng paghikab ang mga sinabi.

 Masuyong tumawa naman si Wesley sa tinuran ng anak at ginulo ang buhok niya. "Ikaw talaga, bumangon ka na nga riyan para makakain ka na. Dahil kung hindi--"

"Dahil kung hindi, ano? Ano? Ano? Papaluin mo ako?" nakatawang pigil niya sa mga sasabihin nito. "Sige ka, isusumbong kita kay Ramon!" Para siyang batang nakikipaghamunan lalo na nang banggitin niya ang pangalan ng nobyo. 

Biglang sumeryoso ang mukha ng daddy niya nang mabanggit ang pangalang Ramon.

Hindi niya iyon pinansin. Sanay na siyang malamig ang pakikitungo nito sa kasintahan. Magalang naman ang nobyo rito. Nagmamano pa nga ito sa tuwing bumibisita sa mansyon, pero alam ni Charmaine na ayaw ng daddy niya ang pagmamanong ginagawa ni Ramon. Hindi kasi mapagkakamalang thirty-five years old na ito lalo pa’t nasa mid-20s lang  ang hitsura nito. 

"Will that monkey attend tonight?"

Napagikhik siya. "Hmmmn, siguro. Gusto naman daw niyang pumunta eh, pero tingin ko hindi na lang siya pupunta kasi nandun ka. Alam mo naman ‘yon ‘di ba? Daig pa ang nakakita ng multo sa takot ‘pag nakikita ka. Ikaw naman kasi, you’re so mean to him.”

Pero sigurado siyang darating ang kasintahan. Hindi nito matitiis na hindi siya makita sa padiriwang ng debut niya. Isa pa, gusto niyang makasayaw ito sa 18 Roses dance niya.

Hindi nito tinugon ang paghagikhik ni Charmaine. Bagkus, pinagsalikop nito ang mga kamay sa mukha niya. Ngumiti ito kapagkuwan. "I love you, Honey."

Ginusto niyang mapabuntong-hininga ngunit hindi niya iyon ginawa. Sanay na siyang hindi nito pinapansin ang anumang bagay na may kinalaman sa kasintahan.

Napapikit siya ng mata. "I love you too, Dad." Iminulat niya ang mga mata bago muling nagsalita. "You’re the best dad in the whole wide world."

"You’re the best also, Baby."

 Binawi nito mayamaya ang kamay. "I’ll go ahead na Honey. Don’t forget to eat your breakfast.”

Marrying My Father [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon