Chapter 41

29.9K 1K 294
                                    


Left's POV

Napabuntong hininga ako habang naghahanap ng pagpaparadahan. Nandito ako ngayon sa airport at sinusundo si lolo. Ayoko man syang sunduin pero ako lang ang pwedeng sumundo sa kanya. Tinawagan ko na sila Mama at sinabing nandito na si lolo. Pati sila nagulat sa nalamang nandito na si lolo kaya agad-agad silang kumilos para bumalik dito sa Manila.

Agad ko pinuntahan si lolo sa waiting area nung makahanap ako ng pagpaparadahan. Hinanap ng mga mata ko si lolo, madali ko naman sya nakita kaya nilapitan ko sya. Habang palapit sa kanya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa kanya.

"Hello, Left." ibubuka ko pa lang ang bibig ko na magsalita agad sya. Hindi pa sya nakatingin nyan sakin ah? 

"Lolo." sabi ko at pinilit na pasayahin ang boses ko. Umangat ang tingin nya sakin. Napalunok ako sa mga tingin nya.

"Tara na?" tumayo sya at sumenyas kay Butler Kim ang butler nyang loyal na loyal sa kanya at nakakatiis sa ugali ni lolo. Tumingin ulit sakin si lolo. Medyo napaatras pa ako sa tingin nyang yon.

Nauna na syang lumakad palabas ng airport. Tila nanghina ang mga tuhod ko pagtalikod nya sakin. Napabugha ako ng hangin. Nakakatakot talaga si lolo, tingin pa lang yon pero napapaatras na ako, paano pa kaya kung malaman nya ang tungkol samin ni maid?

Ngumiti sakin si Butler Kim na parang alam nyang ganon ang magiging epekto sakin ni lolo. Sumunod na lamang kami ni Butler Kim kay lolo.

"Nasaan ang kotse mo?" tanong ni lolo na hindi man lang lumilingon sakin.

"Nandon po." turo ko kung nasaan ng kotse. 

Sabay kaming naglakad papunta sa kotse ko habang nakasunod samin si Butler Kim.

"Nabalitaan kong bumalik na ang dati mong boyfriend na si Sean. Nagkabalikan ba kayo?" agad akong napatingin kay lolo, nagulat ako sa tanong nya.

"Hindi po." nakangiwing sagot ko. Hindi gusto ni lolo si Sean bilang boyfriend ko, ewan ko kung bakit.

"Good." napailing ako ng konti. Hindi nya talaga gusto si Sean.

Pinagbuksan kami ni Butler Kim ng pintuan ng kotse. Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse dahil in-insist nyang sya ang magdri-drive. Usually kada kasama ko si lolo sa kotse ay tahimik lang kaming dalawa. Sya nagbabasa ng libro habang ako nakatingin sa labas ng bintana habang pinapakalma ang sarili ko dahil hindi ako mapakali na katabi ko si lolo.

Dalawang oras kaming nasa byahe bago kami nakarating sa bahay ni Mama at saktong kadadarating lang nila. Napabugha ako ng hangin pagkababa ko ng kotse. Parang akong ngayon lang nakalabas ng kuweba sa tense na nararamdaman ko sa dalawang oras namin magkasama ni lolo. Hindi naman kami nag-iimikan ni lolo dahil busy sya sa pagbabasa ng libro pero kahit na, ang makasama si lolo ng matagal ay para kang mamamatay sa hindi paghinga sa nararamdamang kaba.

"Pa, akala ko next week pa ang dating ninyo?" sabi ni Mama at nag-mano kay lolo, ganon din ang ginawa nila Papa.

"Surprise?" nagsitaasan ata lahat ng balahibo ko sa katawan nang magsalita si lolo. Mas malala yung boses nya na sinabi nya sa cellphone ang salitang yon ngayon sa personal, kitang kita mo talagang naka-smirk si lolo habang seryoso pa din ang mukha.

"Pumasok na po muna tayo sa loob, Papa." sabi ni Papa. Naunang pumasok sila Papa habang kaming magkakapatid nanatili sa labas.

"Gusto ko ng umuwi." gusto ko sana matawa sa turan ni Right dahil halatang ayaw nyang makasama si lolo pero alam naming hindi kami pwedeng umuwi.

"Lolo, katakot." sabi ni Leaf. Lumapit ako sa kanya at kinalong.

"Shh..wag kang makulit ngayon, lagot ka kay lolo." sabi ko para din na hindi sya mapahamak kapag naging makulit sya ngayon.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon