Chapter 30

38.4K 1.2K 317
                                    



Left's POV

Masayang bumaba ako ng hagdan at nilagpasan ang magpapabadtrip na araw ko. Sino pa ba? edi si Kris. Bakit ba sa tuwing gigising na lang ako, si Kris agad nakikita ko? kaya yung magandang araw ko nasisira ng dahil sa kanya eh.

"Good morning maid!" masayang bati ko kay maid at hinalikan sya sa labi. Namula sya sa ginawa ko pero hindi ko pinansin. Naupo ako sa upuan at hinintay na ilapag ni maid ang almusal.

"Good morning Nissan." napangiwi ako na marinig ko si Kris. Panira talaga ng araw.

Nginitian lang sya ni maid tapos pinagpatuloy ang pagluto ng almusal. Yung epal na si Kris naman tinulungan si maid. Sus, papansin talaga. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-cellphone para hindi ko masugod si Kris dahil sa pagsimpleng hawak nya kay maid! sasapakin ko na 'to kapag hindi pa sya tumigil kakahawak kay maid.

Pagkatapos nilang magluto at inahin sa lamesa lahat ng pagkain, agad kong hinila si maid paupo sa pwesto ko baka maunahan pa ako ni Kris.

"Subuan mo ako maid." utos ko sa kanya. Nanlaki yung mga mata habang si Kris nakakunot ang noo at hindi natuloy yung pagsubo nya sa pagkain nya. Napataas kilay kong binaling si maid.

"Pati pagkain sayo, gagawin nya." rinig kong sabi ni Kris pero hindi ko sya pinansin. Nakatingin lang ako kay maid habang naghihintay na subuan nya ako. Nailing sya tapos sinubuan ako. Syempre ako, ngiting-ngiting ngumunguya habang nakatingin pa din sa kanya.

Pinagmasdan ko sya ng mabuti habang sinusubuan nya ako ng pagkain. Hindi talaga ako nagsasawang sabihin na ang ganda ni maid. She's simple but beautiful. Tanga lang ang iiwan sya sa ere. Oh speaking of iwan. Nagka-boyfriend na kaya 'to? impossibleng wala, sa gandang nyang yan? tanga na lang talaga ang hindi magkakagusto sa kanya.

"Maid nagka-boyfriend ka na ba?" biglang napatigil si maid pati na rin si Kris na halatang na-curious din sa tanong ko. Napangiti si maid na pinagtaka naming dalawa ni Kris. Hinintay namin sya magsulat.

Hindi pa.

"Seryoso?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Tumango tango sya. "Sa ganda mong yan wala ka pang boyfriend?" namula sya sa sinabi ko.

"Wala bang nanligaw sayo?" tanong ni Kris.

Meron naman.

"Oh hindi mo sila nagustuhan?" tanong ko. Tumango sya tapos nagsulat sa whiteboard.

Mas gusto ko kasi ang babae.

So, lesbian na sya, matagal pa.

Bigla akong natigilan at tinignan ng makahulugan si maid. Nagtaka naman sya kung bakit ganon ang tingin ko sa kanya. Nakangiting lumapit ako sa kanya.

"So matagal ka na palang nakaka-chansing sakin." bulong ko sa kanya. Lumayo ako para tignan ang namumulang mukha nya. Natawa ako. Ang cute.

"Girlfriend? nagkaroon ka?" tanong ni Kris. Tumango si maid kaya napataas ang kilay ko.

"Ilan?" tanong ko. Tinaas nya ang isang daliri nya. "Bakit naman kayo nag-break ng ex-girlfriend mo?" hinintay namin sya matapos magsulat.

Ayaw ng mga magulang nya sakin.

Napakunot ang noo ko. "Hindi ka ba nya pinaglaban sa mga magulang nya?"

Pinaglaban pero inilayo nila sya sakin.

Hindi kami umimik ni Kris. Kita kasi sa mga mata ni maid na nasaktan sya sa paglayo sa kanya ng ex nya. May feelings pa siguro sya sa ex nya kaya nasasaktan sya ng ganyan.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now