Chapter 35

30.3K 1K 147
                                    


Isang malakas ng tugtog ang biglang nagpaingay sa mga kasamahan namin dito sa pool. Halos nagwawala silang lahat sa pagsabay ng kanta na pinatugtog ng kung sino man. Yung iba nga napapasayaw na sa lakas eh. Hapon pa lang pero parang gabi na kung magpatutog yung gumawa non dahil aakalaing nasa isang pool party kaming lahat.

Nasa gilid kami ni maid nakayakap ako sa likod nya. Pati sya napapasabay sa tugtog dahil napapa-headbutt sya ng mahina. Ang cute talaga ng maid ko.

"Oy! oy! oy! oy! oy!" sigaw nilang lahat habang tumatalon talon kaya nagkakaroon ng alon yung pool. Natatawa lamang si maid sa nakikita nya. Masaya ako na masaya sya.

May biglang tumalon sa harap namin ni Nissan kaya natalsikan kami ng tubig. Sinamaan ko ng tingin yung tumalon, sila Jade at Veron lang naman.

"Tatambay na lang kayo dyan?!" sigaw ni Veron dahil hindi sya maririnig kung hindi sya sisigaw.

"Tara Nissan! Doon tayo sa gitna, masaya don!" sabi ni Jade at hinila si maid. Hindi ko na pinigilan dahil mukhang gusto naman ni maid pumunta don.

"Hindi ka sasama?!" tanong ni Veron. Umiling ako. "KJ talaga!" sabi nya at umalis. KJ agad? hindi ba pwedeng tinatamad lang?

Pinanood ko lang silang mag-party party sa pool. May mga nagdi-dive at nagpapasikat sa pagtambling sa pool. Minsan iniisip ko kapag bumebwelo sila baka madulas sila at mabagok ang ulo nila. Puro sila ganyan mamaya maaksidente sila. Masyado silang pasikat.

"Hey." napatingin ako sa tumabi sakin sa gilid. Si Sean lang pala. May sinabi sya pero hindi ko narinig dahil sa lakas ng tugtog.

"Ano?!" sigaw ko. Natawa sya ng mahina at inulit ang sinabi nya.

"Bored ka ba?!" sigaw nya din. Yun lang pala sinabi nya.

"Medyo!" mapapaos ata ako nito kakasigaw. Sobrang lakas naman kasi ng tugtog, nakakabingi din.

"Nakita ko mga kapatid mo dito." lumapit na sya sakin at nagsalita malapit sa tainga ko. Napatingin ako sa kanya na nagtataka. "Si Kuya History yung nagpatugtog ng kanta." sabi nya.

"Nasaan sya?!" tanong ko. Bakit kaya nandito sila?

"Nandon!" turo nya sa isang bar counter. Umahon ako at naglakad papunta don.

Nakita ko si Kuya na parang DJ sa ginagawa nya. May suot pa syang headset at naka-sun glasses pa. Naka-trunks lang sya at naka-hawaii shirt pa sya na lahat ng butones ay nakatanggal kaya kita yung abs nya.

"Left baby!" may kung sinong biglang yumakap sakin sa likod.  Pagtingin ko si Ate Yani. Ang future wife ni Kuya na ilang buwan na lang ay ikakasal na sila.

"Ate! anong ginagawa ninyo dito?!" nilakas ko talaga dahil malapit kami sa speaker baka hindi nya ako marinig.

"Ano?!" sabi na eh hindi ako marinig. Hinila ko sya palayo sa speaker. Kinayawan ako ni Kuya History nung napadaan kami sa kanya.

"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ko sa kanya.

"Nagbabakasyon?" nakangiting sambit nya. Napatingin ako sa suot nya, naka-two piece din sya at ang sexy nya sa suot nya.

"Bakit dito?" kunot ang noong tanong ko.

"Kasi dito kayo pupunta." nakitbitbalikat sya. "Nandito din pala ang buong pamilya mo." so tama nga yung sinasabi ni Sean na nandito sila.

"Hey baby girl!" biglang sumulpot si Kuya History at umakbay kay Ate Yani. "You look hot. Baka manyakin ka ng mga lalaki dito." napangiti ako sa pag-alala nya.

"Nah, I can handle myself." nakitbitbalikat ito sa sagot ko. "Bakit pala ang lakas mong magpatugtog? nakakabingi." sabi ko. Napangiti naman ito.

"Syempre para maging masaya. Kita mo naman 'di ba? halos magwala na sila sa sobrang saya nila." natatawang sagot ni Kuya.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now