Chapter 20 - Untitled

107K 3.5K 132
                                    

Kyle's POV

Ilang araw na rin magbuhat nung napansin ko ang biglang pagiging super close ni Aisha at Jake. At hanggang ngayon ganun pa rin sila. Weekend ngayon at andito lang ako muna sa bahay. Walang lakad.  

*calling Therese*

Oh, bat tumatawag si Therese? Masagot nga.

"Hello? Napatawag ka?"

(Naistorbo ka ba bestfriend?)

"Hindi naman. May problema ba?"

(Kasi si Jake.)

"Bakit? Sige, magkwento ka. Makikinig lang ako."

(Kasi nga alam mo naman yung nangyari nitong linggo di ba? Yung pagseselos ko. Naiinis lang ako kasi selos ako ng selos dito pero di ko naman sya magawang kausapin tungkol dun.)

"Bakit naman di mo sya makausap?"

(E kasi nga lagi nya kasama si Pi. Pag tinetext ko naman ang tagal bago magreply o kaya di na talaga magrereply. Pag tatawagan ko naman sasabihin nya next time na mag-usap kasi may ginagawa sya. O kaya lobat. Nakakainis lang kasi.)

 

"........"

 

(Hello? Kyle? Andyan ka pa ba?)

"Oo. Sige lang. Nakikinig ako."

(Alam mo yung pakiramdam na alam kong may mali pero di mo matukoy kung ano yun? Galit ako kay Jake, ay mali. Nagtatampo ako sa kanya kasi iba kinikilos niya. Pero mas nag-aalala ako na baka kasi mamaya di na niya ako mahal at nagsasawa na siya sakin. Masakit lang kasi isipin. Tapos alam mo gusto ko magalit kay Pi pero di ko magawa.)

 

"Bakit?"

(Kasi di ko alam kung ano meron sa kanila ni Jake. Nagseselos ako pwede pa. Pero di ko talaga magawang magalit sa kanya. Pero siguro kung dumating sa point na sasabihin nila sakin na, "Hello Therese, di na kita mahal kasi gusto ko na tong kaibigan mo" malamang magagalit na ko. Sh*t lang sa sakit nun.)

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon