Chapter 2 - The Dare

193K 5.6K 410
                                    

Kyle's Picture on the side.

 

 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

Sophia's POV  

   

O___________________O 

   

   

Oh. My. God. Bakit ang pogi ng nilalang na 'to? Dati ba siyang anghel na bumaba sa lupa? O baka naman patay na ko at ako ang umakyat na sa langit kaya nakakakita na ako ng anghel.

   

  

"Yes miss?"  tanong sakin nung lalaking mukang anghel.

      

"H-ha? B-bakit?"  shoot! Bakit ba ko nauutal? Saka bakit ako nagtanong kung bakit? Ako nga yung nangalabit di ba. Stupid Pi!  

    

"Bakit mo ko kinalabit?"

   

"A-ahhh. A-ano kasi.. Kasi---"  di ko natapos sasabihin ko. Sumingit kasi siya.

   

"Wait nga miss."  kunot na noo niya. "Kung nandito ka para kunin ang number ko please lang ha. Umalis ka na lang."  

   

"Excuse me? Kukunin ko? Yung number mo?"  tama ba talaga rinig ko? Puro tanong tuloy ako.  

   

"Oo. Isa ka na naman ba sa mga stalker ko?"

"Huh?! Let me finish---"  di na naman niya ko pinatapos. 

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon