Chapter 8 - Panyo

151K 4.8K 286
                                    

Short update lang po. Sorry. :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Umaga na naman. May pasok na naman. Naligo. Nagbihis. At kumain na rin ako. Di ko muna kasabay ngayon pumasok si Kuya Sam. Panghapon pa yun.  

Speaking of my kuya. Pag-uwi ko kahapon inabutan ko na sya dito samin. Mukhang hindi nambabae ang loko at parang problemado pa. Mamaya ko na mga lang tanungin yun. At malalate na ako.

Pinagdrive na ko ni manong papuntang school. Nakita ko naman si Betina sa may gate. Kaya bumaba na ko.

"Good morning Bes! Kanina ka pa?"

 

 

"Hindi naman Bes. Tara? Gorabels na tayo?" Babaeng bading talaga 'to.

Naglakad na kami papuntang room ng may tumawag sa amin.

"Piiiiii!!! Betinaaaaa!!!"

Si Therese pala. Parang si Betina to e. Ang ingay din. Haha.

"Makasigaw lang te? Dinaig mo akes dun. Hahaha."

 

 

"Haha. Good morning Therese. Tara na nga, malapit na magflag ceremony. Pila na tayo. Wag na tayo dumaang room."

Pumayag naman sila. Nasa may gawing likuran kami ng section namin pumila medyo malalate na rin kasi. Ang taas nga rin pala ng sikat ng araw. Napakainit. Aish.

Nakatalikod na kami ng may nagsalita..

"Good morning babe. Good morning Betina and Pi." Si Jake pala. Lawak ng ngiti ah. Nakakatuwa talaga mga friends ko. Mukang laging jolly.

"Good morning." Sabay sabay naming bati. Tapos hinug lang sya ni Therese.

"Hug lang Babe? Wala man lang.." tapos ngumuso sya. Nanghihinging kiss. Hahaha.

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon