First D

27K 1K 266
                                    

"O basta ha? Know your limitations" - Papa

"Opo" - sagot ko

Tumingin si Papa kay Jay, "Sa sala po ako matutulog. Promise po"

Napakagat ako ng labi kasi muntikan na akong mapatawa sa pagsabi ni Jay ng 'Promise po'.

"O sige, i-lock ang gate. Alis na kame ng Mama mo" - Papa habang binibitbit ang mga gamit nila para sa kanilang field trip

"Ingat po" - sabi ko habang sinasabayan siya sa paglabas ng bahay

Umalis na si Papa. Si Mama, nasa park na, kung san yung meeting place ng mga employado para sa 3-day field trip nila. Siya kasi yung mag aattendance. Parang hayskul lang no?

Dahil naman sa nangyari kahapon, (nasabi kasi ni Jay kina Papa yung nangyari nung nakauwi kami), minabuti nilang pakiusapan si Jay kung maaari daw ba akong samahan sa bahay. Katunayan, si Leona dapat ang kanilang uusapin. Pero enrolment kasi nina Leona sa Diliman at for sure, sobrang haba ng proseso nun kaya aabutin yun ng gabi.

Isang araw lang namang magbabantay sa'kin si Jay kasi sabi ni Leona, pwede daw siya bukas.

Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si Jay na inaayos na yung laptop n'ya sa may mesa.

"Dito ka gagawa ng manus?" - tanong ko habang papunta sa may silya malapit sa kanya

"Uh, bawal ba?" - tanong niya

"Hindi naman" - sagot ko nang makaupo

. . .

. . .

. . .

So... Busy na siya.

Okay.

Anong magawa?

"Nakakailang chapters ka na?" - Ako

Sana di nakakaistorbo...

"8." - Jay

"Eh ilan bang chapters yan?" - Ako

"25. 12 na to kahapon... Pero nakalimutan kong i-save... More like, na-corrupt. Buti nga at binigyan ako ng editor ng isa pang linggo..." - sagot n'ya na para bang pinahihiwatig sa akin na h'wag akong maingay kasi nakakaistorbo ako sa kanya

"Ah okay" - sabi ko na lang at tumayo para kunin yung remote para buksan ang TV.

(Short Story) Loving JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon