Loving J

112K 1.8K 188
                                    

Loving J

 © Filipina Wattpad 2013

Her:

"Morning Mee!" - bati nung dati kong kaklase

"Morning din!" - nakangiti kong tugon

"Morning po Ate Mee! Idol!" - bati nung isang freshie sa'kin

"Morning din!" - nakangiti kong tugon sa kanya

Maraming bumati sa'kin. Sumasakit na nga yung panga ko kakangiti ee. Hanggang sa --- "Jaimee! Update ka na naman sa Loving J!"

Don ako napatigil. Pero hindi ko pinahalata.

"Mee! Sana mapublish din yung story mo!" - dagdag pa nung isa kaya lalo akong na-pressure

"Kahit magkaklase tayo, pipilahan ko talaga pag may booksigning event!" - singit pa nung isa

Akala ko don na yun matatapos pero,

"Ako gagawa ng cover, pwede? :D"

"Isama mo kami sa dedication part ha! O kaya dun sa acknowledgment!"

"Eeeh, gusto kong magkaron ng author na kaklase! Now na!"

"Hehehe" - nasabi ko na lang sa kanila habang kinakamot yung ulo ko

Ako nga pala si Jaimee Lacdao Montiel o "Mee". 16 years old. Sikat na sikat sa school namin ang wattpad. Trending nga lagi sa buong school at sa buong lalawigan namin yung story na ang title ay "Loving J" na sinulat ni jaimee_JLM -- dahil yung school namin yung setting/location.

"Basta kay Joseph ako!" - classmate1

"Hindi pwede! Kay Jeremy si Jireh!" - classmate2

"Hindi! Mas bagay sila ni Joseph!" - classmate1

"Crush lang ni Jireh si Joseph! Mahal ni Jireh si Jeremy! Di n'ya lang alam!" - classmate2

"Basta akin si Jayson!" - classmate3

"Sus, meant to be kami ni Jayson dahil Jhadie name ko!" - classmate4

"May J din name ko ha! Joy!" - classmate3

Umupo na lang ako sa may upuan ko habang nagpatuloy silang nagbangayan.

"Mee! Lagyan mo naman ng moment sina Jireh at Jeremy sa may lovers lane!"  - classmate5

"Napaka cliche nun! Mas maganda kung sa hallway ng 3rd floor. Dun sila magkikiss para pag naging movie hit yung story ni Mee, magiging tourist spot na itong school natin!"  - classmate6

"Baliw! Mas maganda kung dun sa canteen sila magkikiss! Kakilig! Maraming makakakita!" - classmate7

"Mas prefer ko naman kung sa library sila magkikiss! Nakatago sa books! Yung katulad nung cover ng Tamako Sia!"  - classmate8

(Short Story) Loving JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon