His POV

22.2K 1K 164
                                    

Gusto kong patunayan ang sarili ko sa mga magulang ni Jireh. Gusto kong patunayang magkakatrabaho ang isang tulad ko; na may ipapakain ako sa magiging pamilya namin; na magiging mabuti akong ama sa magiging anak namin.

Magsisikap ako para maging matagumpay ako sa karerang pinili ko. Magdadalubhasa't magsisipag ako. Lahat, gagawin ko para kay Jireh. Mahal na mahal ko kasi siya.

Pero, namimiss ko na talaga s'ya. Limang buwan ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko na rin s'ya nakakausap dahil sa trabaho ko. Bawal kasi ang cellphone. Miss na miss ko na siya. Sobra.

Hindi ko na talaga kaya. Gusto ko na siyang makita; yung ngiti n'ya; yung boses n'ya; yung pagtawa n'ya. Gusto ko na ulit yun makita't marinig...

SHET JAIMEE MISS NA KITA!!!!!!!!!!|

(Filename: Marrying_J_DRAFT.docx)

- - -

Jay's POV

Napatigil ako sa pagtype at umub-ob.

"Di ko ata to matatapos... Ugh"

Inalis ko ang pagkaka-ub-ob ko para tingnan ang aming litrato ni Jaimee nung Christmas Party noong naglaro kami sa newspaper dance (na kinuha ko lang sa facebook), na nakalagay sa tabi ng laptop ko.

"Miss na kita. Wait lang ah?" - mahina kong bulong

Napakamot ako sa ulo ko. Bukas na kasi ang deadline nitong manuscript na ito... Next month kasi ang target na irelease ito e... Pero heto at nasa kalahati pa lang ako.

Binura ko yung line sa file na hindi dapat kasama atsaka tumingin sa cabinet sa kwarto ko.

May nakapagsabi sa akin, na para maging effective writer, kailangang ma-experience ko ang feelings ng mga characters sa kwentong ginagawa ko. Kaya nga, gaya ng nasa kwento ko, hindi ko na nakikita at nakakausap si Jaimee. Effective nga naman siya pero... Mababaliw yata ako.

Miss ko na kasi siya ng sobra. Gusto ko na siyang makita at yakapin ng sobrang higpit...

Hindi naman siguro masamang magtext man lang ako, ano? Matagal ko nang gustong tingnan yung phone ko e. Pero tinago ko s'ya sa cabinet ko... Baka nga lowbatt na yun sa tagal nang nakatago.

Tinitigan ko lang yung cabinet.

Hindi ko alam pero parang may tumutulak sa akin na buksan yon. Tumayo ako sa silya at binuksan ko na.

At laking gulat ko nang makita kong tumatawag si Jaimee.

Nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko alam na dahilan kaya agad ko yung sinagot, "JEY?!"

Narinig ko ang paghabol n'ya sa paghinga at parang umiiyak s'ya, "(Jay...)"

(Short Story) Loving JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon