Chapter 43: The Traitor

270K 10.4K 5.6K
                                    

A/N: Okay, ngayon lang ako magsasalita tungkol sa mga ships nyo. Whoever your ship is, edi ship nyo. Haha. 'Wag nyong awayin ang iba dahil si ganito ang gusto nila at hindi si ganito. Respect each other. Ayokong mag-aaway away kayo. Pano nalang kapag may scene na mag aaway sina Kiyan at Paxton? Mag-aaway rin kayo? 😂 To tell you the truth, di naman dapat 'to naka focus sa romance eh. Segwey lang sya dito pero ewan ko ba't kinikilig kayo hahaha. At tinatanong nyo kung sino ang gusto ko sa dalawa? WALA. Dahil ang gusto namin ay si Trevor. Diba xXxGangstarxXx? Hahaha. Hello kay naughtyjackyy pabati raw. Check nyo rin profile nya. Here's the update. :)

👻👻👻

SHEA'S POV
  

Nagising ako at puting kisame ang unang bumungad sa 'kin. Anong nangyari? I thought I was with Ice then he showed something like a golden dust—

"Good thing you're awake. Kumain ka muna."

Agad akong napatingin sa nagsalita. It was Fire, sitting on a couch in the corner of my room while reading a magazine. Tumingin ako sa bed side table at may nakahandang pagkain na pala. I don't know the dish but the aroma is quite good that makes my stomach groan. Alas-diyes na pala ng gabi.

"Bakit ikaw ang nandito?" tanong ko.

"Master asked me to. Bantayan raw muna kita habang di ka pa nagigising. Kumain ka na. Niluto nya 'yan para sa 'yo."

Napatingin ulit ako sa pagkain sa mesa. He did all this?

Bumangon na ako at sinimulang kinain ang niluto ni Kiyan. Fudge, ang sarap. Taste like heaven. I never knew he can cook this good. Na-miss ko tuloy ang luto ni mama noong dito pa ako nakatira. Di na ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko gutom na gutom ako. Parang nawala yung lakas ko kaya kailangan kong kumain ng marami para maibalik ito.

I drank the glass of milk na kasama sa pagkain kanina and I've never been satisfied. That was the best food I tasted.

"Masarap no? As expected from the Master. Ang sarap nya talagang magluto." sabi ni Fire matapos kong kumain.

Humarap ako sa kanya. Naka-uniform pa pala ako.

"Anong nangyari? Where's Ice?"

"He's on his room. Natulog lang sya simula pa kanina hanggang ngayon. Kanina ka pa namin hinihintay pero hindi ka parin dumarating. Kaya lumabas na si Master upang hanapin ka but you were unconscious when he brought you here at buhat-buhat ka nya. What happened?" paliwanag nya.

"Did he say something? Nasan na sya ngayon?"

"Tinanong lang nya kung nandito ba kaming lahat. Tapos inutusan nya akong bantayan ka until you wakes up. Sya na ang naghanda ng pagkain mo at hinatid dito. Nandon sya sa kwarto nya."

Napatingin ako sa tray na ngayo'y wala nang laman. Sa mga nangyari kanina, alam kong kumikilos na sila. They are after me at mukhang tama nga si Seraphina. One of them is from the kingdom of light.

"Thanks Fire. Magpahinga ka na rin. I'm okay now."

Ngumiti sya at nagbow bago umalis. Muli akong napahiga. That dust...

What was that? Si Ice ba ang traydor dito? Bakit bigla akong nanghina? Am I getting weak dahil ba malapit ako kay Kiyan?

Speaking of Kiyan, niligtas na nya naman ako. We're not in good terms and he is my opposite pero niligtas nya parin ako. But why is he asking Ice's name? Nakalimutan ba nya ang pangalan nya? Ugh. What a stupid question Shea.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now