Chapter 66: The Fallen

31K 1.3K 1.2K
                                    

SHEA'S POV
 

I just had a very strange dream. A weird and a very realistic one.

"Shea," a faint voice whispered behind my ear. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko only to see a familiar face.

"Kiyan,"

Bigla siyang ngumiti. I can see his relief nang makita niyang gising na ako. Bakas pa rin sa mga mata niya ang pag-aalala.

Medyo hilo pa ako and my mind is in a haze. I barely remember what happened before I fell asleep.

"How are you feeling?" tanong niya.

Unti-unti akong bumangon as I look around. Pamilyar ang silid na ito. This is the Alpha's dormitory. Ito ang silid kung saan una akong dinala ni Kiyan noong first year pa lang ako, at kung saan sinundo ako ni Paxton.

Si Paxton...

"What happened? Bakit ako nandito?" tanong ko.

"You don't remember?"

Pumikit ako at pilit inaalala ang mga nangyari.

Ang laban kay Lucifer...

Ang Exitium...

Ang nakakapagtakang pag absorb ng Sword of Destruction...

At si Paxton...

Nanginig ako as my memory began to surge.

"Wala na si Paxton..." bulong ko ng hindi namamalayan.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"You killed me," diretsong utas ko. I was void of emotions.

Tahimik lang siya at hindi ako sinagot. Nanginginig ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula o ano ang dapat kong reaksyon.

Huminga akong malalim upang kalmahin ang sarili ko.

"What happened? Where is everybody?" kalmado kong tanong.

Isinarado niya ang librong kanina niya pa binabasa saka tumingin sa 'kin.

"The war was over. Lucifer was defeated---never to be seen again. Our Masters ordered us to rest first before our final battle," paliwanag niya.

Muli akong huminga ng malalim. I don't know where to start. Kung ano ang unang gagawin ko at ang kailangan kong unang malaman.

"What exactly... Happened? How am I alive?" I was still confused. I know he killed me and there's no way that I could still be alive after I was killed by the opposite.

Unless...

"It's the Apostle of Love," diretso niyang sagot.

"Eloiny?"

Tumango siya at hindi na sumagot. And by that, I know what he meant.

Napatulala ako sa kawalan. My heart is shattering into pieces. Nag simula akong humikbi. Palakas ng palakas hanggang sa napuno ang buong kwarto ng iyak ko.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now