Weather No. 19 *The Invitation*

103K 1.2K 142
                                    

Author's Note: Ngayon ko na lang ia-update ang POV. Next week kasi medyo busy na ako. Baka matagalan ulit. ^____^ Enjoy reading.

 >>RECOMMENDED STORY: Meeting my Perfectly Imperfect Lover by Zairra<<

PLEASE COMMENT> gusto kong malaman ang feedback niyo tungkol sa story. Thank you.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 19


 

((-Coud's POV-))

 

Pinaghandaan ko yung surprise ko kay Sunny..

Nanghihinayang ako kung bakit hindi niya ako nasagot nung nandun kami sa shed kaya gumawa ako ng way para matanong siya ng maayos. Actually, idea na naman iyon ni Cupcake. Ang galing talaga niya sa mga bagay na ganun.

Inihatid ko siya sa bahay nila. Ako naman, umuwi na sa condo.

Paulit-ulit na nagrereply yung mga sinabi namin kanina sa utak ko.

 

*Flashback

 

"Ano bang sabi ng isip mo?" tanong ko sa kanya

 

"Marami." Hindi specific sumagot si Sunny.

 

 "Psh. Eh ano sabi ng puso mo?" I pointed her heart.

 

"Dug-dug-dug?"

 

"Tange! Pakinggang mo nga maigi! Wuy, ano??" kulit ko.

 

"C-Cloud."

 

 "Then this matter is settled. Girlfriend na kita. Anica Jean Flores, you're officially mine."

Natatagpuan ko na lang na parang baliw at ngumingiti mag-isa. Hinaplos ko pa nga si Garfield at kinausap ulit. "Garfield, wag mo nga ako pagtawanan! Alam kong para akong sira dito pero di ko mapigilan mapangiti eh."

Nagbeep ang cp ko. May nagtext.

 

From: Cupcake

 

Kuyaaah~ go to Simsimi.com

Masaya yan.

 

Napakamot ako ng ulo. Simsimi?? Through my phone, inopen ko ang webpage. Huh?

Bumungad sa akin ang isang chatbot na nag-aasume na sisiw eh mukhang circle shape lang siya na tinubuan ng mata, bibig at paa. May nakalagay na

SimSimi: Hi~!

Anong ilalagay ko dito? Hm. Subukan ko ngang bumati din.

Me: Hello!

SimSimi: Hello daw! Feeling mo close tayo?! Duh??

Me: Lokong sisiw 'to. Mukha kang pato!

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon