Sa Mga Kuko Ng Aswang

5.4K 123 2
                                    

Chapter 4

Na pag alaman ng mag asawa na  may kakaiba pang sumpa ang dulot ng pagiging aswang ni Rhea. Kapag nakakapatay sya ng tao unti-unti syang gumaganda.

Hanggang isang araw bumalik si Mac sa kubo ni Rhea at sumisilip ito. Wala sa loob si Rhea at hindi nya ito makita. Ang hindi alam ni Mac ay nasa bubungan si Rhea ng kubo. Hinila nya pataas ang ulo ni Mac at tinakpan nya ang bibig nito ng hindi ito makasigaw.

Hindi makalaban si Mac dahil malakas si Rhea sa kanya at marami ng natamong sugat si Mac dahil sa mahahabang kuko ni Rhea.

Habang nag pupumiglas si Mac ay di na napigilan ni Rhea mahawakan ang leeg ni Mac at bumaon ang mga kuko nito at nag silabasan ang mga dugo ni Mac saka sya namatay.

Pag bitaw ni Rhea sa leeg ni Mac ay sya ding bagsak ni Mac sa lupa. Pinababa naman nila Elmer at Marie ang anak at dali-daling nilinis ni Marie ang anak.

Nag hukay naman si Elmer sa likod ng bahay at don sa tabi ni Cindy nya nilibing ang katawan ni Mac.

Hindi alam ni Elmer at Marie kung paano pa nila mapipigilan si Rhea pumatay ng tao. Mas nakikita nilang nasisiyahan ito pag ginagawa nyang pumatay.

Balak na ni Elmer ilayo ang mag Ina nya sa lugar bago pa man malaman ng mga kapit bahay na ang anak nila ang pumapatay. 

Sa Mga Kuko Ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon