Sa Mga Kuko ng Aswang

5.8K 137 0
                                    

Chapter 3

Madalas nag iinsayo si Rhea ng sayaw kaya nagiging mahusay na ito. Sumisilip si Cindy sa kubo ni Rhea para magaya sana ang pag sayaw ni Rhea pero pintuan ng kubo ang nahawakan nya kaya noong matumba ang pintuan  ay sya ding pag pasok ni Cindy sa loob ng kubo.

Galit na galit si Rhea sa walang sawang pag mamasid ng mga kapit bahay nila sa kanila  kaya hinila nya ang buhok ni Cindy at pinag sasampal nya ito. Sinabunutan naman ni Cindy si Rhea at nag laban silang dalawa sa loob ng kubo. Malakas si Cindy at nasasaktan nya si Rhea sa mukha at sa braso nito.

Sa sobrang inis ni Rhea ay nag dilim ang paningin nya at  humaba ang mga kuko nito. Sa bawat pag hampas nya ng mga kamay nya kay  Cindy ay sya ding pag guhit ng mga kuko sa katawan at mukha nito. Hindi na din na pigilan ni Cindy ang sarili nya kaya sinugod nya si Rhea dala ang kahoy na ipupukol nya dito.

Bago pa man dumapo ang hawak nyang kahoy sa ulo ni Rhea ay sya ding pag hawak ni Rhea sa puso ni Cindy. Binaon nya ang mga kuko nya sabay hatak sa puso ni Cindy para lumabas. Agad itong namatay at nagulat si Rhea sa nagawa nya kay Cindy.

Namatay si Cindy sa kubo. Tinawag naman ni Rhea ang mga magulang nya at binaon nila ang bangkay ni Cindy sa likod ng bahay.

Tulala si Rhea habang nililinis sya ni Marie dahil ngayon lang kasi sya nakapatay sa buong buhay nya.

Hindi naman akalain nila Elmer at Marie na ganon na lang kalakas ang kapangyarihan ni Rhea na pumatay.


Alam ng mag asawa na hindi dapat nagawa ni Rhea ito kung hindi sya  tinutukso ng mga kapit bahay nila.

Sa Mga Kuko Ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon