Sa Mga Kuko Ng Aswang

6.7K 133 0
                                    

Chapter 2

Hiniwalay ni Elmer ang pwede pang ibenta ng kaibigan nya sa bayan at ang iba naman ay tinapon na nila. May taga benta si Elmer sa bayan at binibigyan nya lang ito ng pera kapag natapos na silang mag benta. Malaking tulong ang pamilya ni Elmer sa ibang kaibigan nila dahil bukod sa malawak ang lupain nila ng taniman ay naghahati sila sa benta.

Sabik si Rhea sa tao at sa lugar kaya kahit na bawal syang lumabas ng bahay sa araw ay nakakatakas sya.  Kung saan saan na sya nakakapunta sa lugar nila na hindi namamalayan ng mga magulang nya dahil madalas nasa kabilang kubo lang sya.

Marami syang gustong gawin at puntahan pero hindi sya pwedeng mag tagal sa labas. Naiinggit sya sa ibang kabataan na nakakapag laro at pumapasok sa school. Bumabalik sya kaagad sa bahay nila pag alam nyang pabalik na din ang mga magulang nya galing kagubatan.

Hanggang isang araw napadaan sila Jhade, Cindy at Jesel sa kubo na kinaroroonan ni Rhea at sumilip sila dito. Nakita nila si Rhea na nag aaral ng sayaw at masayang nakikinig ng radyo. Palihim na nag tatawanan naman ang tatlong mag ka-kaibigan. Nakita sila ni Marie na sumisilip sa kubo  kaya pinaalis nya ang mga ito.

Nagulat si Rhea noong narinig nya ang tinig ng tatlo na nag tatawanan habang tumatakbo palayo ng kubo.

Nakasarado man ang bakod ng bahay nila pero nakaka lusot pa rin ang mga ito dahil sa mga halaman na nakaharang dito. Wala din silang mga alagang hayop kaya walang mag hahabol sa kanila kung may tao man na pumasok sa bakuran nila.

Mas gusto naman nila Cindy  lalong maasar si Rhea kaya nag pa-plano na naman silang puntahan sya pag wala ang mga magulang nito sa bahay nila.

Sa Mga Kuko Ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon