Sa Mga Kuko Ng Aswang

11.2K 164 0
                                    

Chapter 1

Sa bayan ng Bararuba may isang pamilya na kinatatakutan ng mga kapit bahay dahil sila ay tahimik lang at kakaiba sila kung kumilos. Gising na gising sila sa gabi at tulog naman sila sa umaga at hapon.

Tuwing gabi nag tatanim ang Tatay ni Rhea na si Elmer sa bukid samantalang ang Nanay naman nya na si Marie ay nangunguha ng mga prutas. Madalas silang sitahin ng mga kapit bahay pero wala naman silang magawa kundi hayaan na lang ang pamilya.

Walang nagiging kaibigan si Rhea dahil hindi sya palaayos sa sarili at natatakot sila sa kanya. Sa bahay  sya nag aaral at hindi sya pumapasok sa school. Natatakot kasi ang mga magulang nya na tuksuhin lang sya sa school.

Hanggang isang araw sumilip si Mac sa kanilang kubo na puno ng pananim. Nakita nya si Rhea na nag lilinis. Niyaya nya itong mamasyal pero ayaw lumabas ni Rhea sa kubo kaya inuuga- uga ni Mac ang kubo hanggang sa bumagsak ito na nasa loob pa si Rhea.

Galit na galit ang mga magulang ni Rhea kay Mac. Pinag sabihan si Rhea ng mga magulang nya na huwag makipag kaibigan sa mga kapit bahay dahil masama lang ang mga ugali ng mga ito.

Inayos ni Elmer ang nasirang kubo. Nilipat nila ang mga prutas at gulay  sa kabilang bahay.

Sa Mga Kuko Ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon