Chapter 17

159 1 0
                                    

-=-

Harriet's POV

"Ha?? O___O"

"Teka, bakit may problema don?" Nandito na kami sa sasakyan niya. Pinauwi na rin kasi niya yung driver niya.

"Hindi mo ba alam na ang University name iyon ang pinakang-magulo? At isa pa pagmamay-ari yon ng malanding si Lyndon." Inistart na niya yung engine at nagstart na siyang magdrive.

"Owss?? Sina Lyndon ang may-ari non? Eh bakit sa inyo siya pumapasok?" tanong ko. Di ba kasi nga meron silang school na kanila pero sa iba sila pumapasok. Ang weird kaya.

"Sooner malalaman mo rin." sagot niya.

Nagdrive lang kami at medyo marami na rin kaming napag-usapan. Masaya rin naman siyang kausap. Ang bibo niya, pero pag nasa harap ng maraming tao, parang hindi siya yung totoong Caroline. Siguro dahil na rin sa tingin ng bawat tao sa kanya at kung ano ang pwede nilang isipin. Saka mayamang tao siya at kilala kaya naman siguro ayaw niyang mabahiran ng masamang mukha ang pangalan nila.

"Neng dito na tayo." Nga pala Neng nalang daw ang itatawag niya sa akin at ganun din ako. Mas maigsi kasi daw kapag neng kumpara sa 'bestfriend'.

Bumaba ako sa sasakyan. Hooo!! Ang creepy! Ang dilim tapos ang tahimik pa. Ano ba to Hunted School?

"Hindi ka ba sasama?" tanong ko kay Neng kasi hindi siya lumalabas saka mukhang takot siya na itungtong ang paa niya sa lupa. Ano kayang meron dito kay Caroline. Kanina naman ang sigla niya pero ngayon iba na aura niya.

"Ha-ha-ha!! hindi na. Mukhang kailangan ng bantay ng kotseng ito. Hehe. Saka isa pa may mga tao naman yata jan kaya walang mangyayaring masama sayo." Ano ba yan? Iwan ba naman ako sa ere ng babaitang ito.

"Sigurado ka?" tanong ko ulit kasi baka sakaling magbago ang isip niya at samahan na ako. Mahirap na kasi baka mamaya ma rape na ako ng wala sa oras.

"Ahh.. Oo.. Dito lang talaga ako." Talaga ngang pinanindigan ang gusto niya na maiwan sa labas ng campus.

Iwinave ko na yung kamay ko sa kanya para alam niyang aalis na ako.

Pumasok na ako sa loob. Wala namang guard sa gate kaya nakapasok ako ng maluwag. Tss.. ang tahimik talaga.

Tae!! Bro!! wag mo akong pabayaan. Marami pa akong gustong makamit.

Meron kasi akong nararamdaman na kakaiba. Parang may sumusunod.

One step ahead ko dalawa ang yabag nung kanya.

Tumigil ako sa paglakad at nanigas na ang katawan ko. Nangangatal na ewan. Humarap ako sa likod. Ipinikit ko muna ang mata ko kasi malay ko naman multo yun.

~____o ok biniksan ko muna ang isa kong mata.. o___o ok.. wala naman palang problema ehh.. kala ko naman kumg ano, pusa lang pala. ^__^

~Lakad.. Lakad..~

Meron akong naramdaman sa paa ko. ahmmpp.. Jusko!! wag naman talaga.

Yumuko ako at may nakita akong singsing. Dinampot ko. Bakit kaya patapon tapon nalang yung mga singsing dito, silver pa naman. Inikot ko yung tingin ko sa paligid ko kasi baka nanjan lang sa tabi yung may-ari tapos nakita ako na hawak ko singsing niya tapos sabihing magnanakaw ako tapos papakulam ako.

~Turn around to my left..~

*kruu.. kruu..*

Ok wala namang nakatingin sa akin sa left. Sa other side naman.

~Turn around to my right..~

*kruu.. kr..*

"Auggghhh.." Ohh.. Oww.. Merong shadow sa may puno and it gets my attention. Mukhang lalaki yung figure. Parang yung mata niya nakapako sa akin.

Mukha naman siyang hindi mananakit kasi yung mata kahit na mukhang kulay pula ay mukhang maamo pa rin. Lalapit na sana ako sa aninong nakatitig sa akin pero..

"Harriet!!" sigaw ni Zach na patakbong pumunta sa akin.

"Zach? Saan ka galing?" inalis ko na yung tingin ko sa aninong yun.

"Bakit ka ba nandito? Alam mo bang nagkaron ng gulo dito kani-kanina lang. Merong nakapasok na limang lalaki. Sabi nung guard mas nauna lang daw sila ng ilang minuto sa pagpasok! Hanggang ngayon hinahanap pa yung mga yun kaya mas mabuti pang umuwi ka na. At isa pa bakit ka ba nandito ka?" bulahaw sa akin ni Zach. Limang lalaki? Wala naman akong nakitang limang lalaki pwera lang dun sa anino ah.

Hindi ako nakapagsalita nang sabihin sa akin yun ni Zach.

"Hoy!" sigaw ni Wacky.

"Alam mo ba kanina isinigaw ko sayo na kung may balak ka na pumunta dito sa school ay wag mo nang ituloy kasi nga may gulo pero di mo narinig kasi pumasok ka kaagad sa office." sabi naman ni Tristan na may panduduro pa sa mukha ko.

"Oo nga. Alam mo bang mapapatay kami ni Cap kapag nalaman niya to. Pasalamat nalang kami na umalis agad siya kanina. May pupuntahan pa daw." singit naman ni Timothy na nakakamot pa ang kamay sa buhok niya.

"Uy!! RETARD!! Bakit ka nandito?"

"Oh anjan na pala si Cap." sabi ni Macky

"Venellope wag kang magkakamaling isumbong kami ha? Patay kami jan." bulong ni Wacky sakin na parang takot na takot.

Tumango nalang ako.

"Ahh.. Kasi Manonood sana kami ni Caroline sa inyong practice. Di ba laban niyo na bukas?" sagot ko at syempre palusot na rin.

"Ahh.. Teka nga lang ha? Excuse ko lang tong mga to." Sabay higit ni Lyndon kila Wacky. Si Zach naman sumunod nalang.

-=-

Tristan's POV

Patay. Mukang alam na ni Cap yung nangyari.

"Cap bakit mapula yang mata mo?" tanong ko. Para maiba na yung topic kasi alam naman naming yun ang pag-uusapan namin at lagot kami ngayon.

"Wala. Ok bakit nandito yang babaeng yan?" tanong niya

*Kruu.. kruu..*

"Sasagot kayo o you all give me five hundred push-ups?" woohoo!! ayan na naman siya nanakot na naman. Anong feeling niya matatakot niya ako? Huh? OO naman ayoko mapagod.

"She wants to make sure that there's no trouble here and maybe she taught that it's her fault na magkaron tayo ng pustahan sa kabilang grupo." Mackyy!! Ang hilig mo talagang manlaglag.

"Give me 100 push-ups now!!" Sigaw niya sabay turo sa may gym.

Bakit ba naman kasi ang daldal nitong kambal ni Wacky. Tss.

"Cap! Wag naman po kayong ganyan! Ayaw ko pong mapagod ng sobra! Huhuh!" pumunta si Wacky kay Cap at hinawakan ang braso nito.

"Ah.. Ayaw ko." Tinabig ni Cap yung kamay ni Wacky at parang nasaktan sa pagkakahawak nito.

-=-

Venellope's POV

Parang tapos na sila sa usapan nila at dumiretso na sila sa gym pero si Lyndon naiwan.

"Kung gusto mong manuod bukas, wag nalang kasi masyadong maraming tao. Pero syempre kung gusto mo akong makitang hubad at pagnasaan ay pwede naman. Haha!" sabay tawa ng nakakaloko. Ang yabang talaga ng bwisit na to kala mo kung sino ang sarap sapakin. Alam niyo kung saka-sakaling siya nalang ang lalaki sa mundo yaeh na siya. Manigas siya. Hinding hindi ko siya papatulan. Sa yabang niyang yan.

"Nga pala si Caroline nasa labas, nag-iintay sayo." sigaw ni Lyndon at tumalikod na rin.

"Ay.. Oo nga pala!! Tss.. Nakalimutan ko."

He's My Guardian Devil [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon