Chapter 5

353 32 0
                                    

Chapter 5

Zach's POV

Nandito ako ngayon sa isang club malapit sa isang beach resort. Walang pasok bukas kaya kahit dito na kaming anim matulog, pwede.

Maingay ngayon dito sa club, alas 10 na kasi pero sa umaga napakatahimik. Sa una aakalain mo na isa itong dance troupe club dahil sa dance floor at sa mga makikita mong props on the other half naman ay isang cellar. Maraming different kinds of wine. Isa siyang collection, collection na inuubos, kasi tuwing gabi may disco dito.

Habang naglalakad papuntang Comfort Room, may nakita akong isang lalaki. Hindi ko sigurado kung siya nga yun. May kasama siyang 4 pa at sa oras na to sigurado na ako na siya nga yun at yung kasama niya ay sina Wacky, Macky, Timothy at Tristan.

Sabi nila hindi sila pupunta dito kasi tutulungan nila si Lyndon, oo tama si Lyndon nga yung kasama nila. Di nila sinabing dito nila gagawin yung plano nila.

Teka, bakit nga pala ako lang ang hindi nakakaalam ng plano nila. Kasama ko naman sila lagi. Ano kaya ang gustong mangyari ni Lyndon at bakit sa akin lang hindi ipinaalam?

Lumapit ako sa kanila at kitang-kita mo sa mukha nila na nagulat sila.

"Uy! Di niyo naman snabi na dito niyo gagawin yung plano niyo." bati ko sa kanila

"Z-- Za-- Zach?" - Wacky

"Oh, bakit parang nauutal ka Wacky may problema ba?" tanong ko na may halong panloloko

"Ahh- Ehh- Wala naman. Alam mo namang ganyan si Wacky pag sobrang saya di ba?" - Tristan

"Oo nga naman Zach! Masaya siya masyado na makita ka." - Timothy

"Tol, sino nga pala ang kasama mo dito?" - Lyndon

"Wala naman, gusto ko lang magrefresh ng utak ko. Masyado na kasing madaming nangyayari." sagot ko.

"Sa totoo lang Zach, tapos na namin yung plano kahapon pa." Macky

"Oo nga Zach!" sabi ni Wacky

"Eh bakit  pa kayo magkakasama na parang may kasunod pa na plano?" tanong ko.

"Sa isa pa kasing katotohanan niyan, kami  nalang talagang tatlo nina  Timothy ang  dapat  magkakasama kaso nakita namin sina Lyndon" paliwanag ni Wacky

"SINA? Sinong kasama niya?"

"Ahhh.. Ehhh.. si Ha--" nabitin na sabi ni Timothy

"Kasama ni Lyndon ay yung bestfriend mo ata yun? Yung naospital?"

Si Harriet? Nandito sa bar ng ganitong oras? Bakit? Akala ko ba school-bahay lang siya? Bakit niya kasama si Lyndon?

"Teka ipaliwanag niyo nga sa akin. Di ko talaga maintindihan kung bakit si Harriet nandito, saka asan na siya?" tanong ko kay Lyndon.

Umalis siya pagkatapos kong magtanong sa kanya at tumingin kina Macky ng isang 'kayo-na-bahala-jan-look'. Kaya naman napatingin ako kina Macky at binigyan ko sila ng 'ipaliwanag-niyo-sakin-ang-lahat-ng-to-look'. At sinimuan na nga nila ang paliwanag.

"Kasi nagplano kami kahapon ng isang plano na kung saan ang planong iyon ay nagpaplanong pagpla--" pinutol ko ang sinasabi ni Wacky

"Oo, alam ko na nagplano kayo. Paulit-ulit ka na sa planong plinano niyo kahapon." anu ba yan nahawa a din ako dito kay Wacky.

"K-Kasi A-ano e-eh.. he-he-he.. tinulungan kasi namin si Lyndon na mabangga niya si Harriet habang may hawak na cola." Timothy

"Tapos?" binibitin nila naman ako eh.

"Ayon nagbigay siya ng kondisyon kay Harriet para mapatawad niya si Harriet" Tristan

"Ituloy niyo!" sumigaw na ako sa kanila. Ibang usapan na kasi pag dating kay Harriet. Ayokong naaagrabyado siya. Mahal ko kasi siya.

"Binlock mail siya ni Lyndon na kapag hindi siya pumayag sa kondisyon niya, papapatay siya ni Lyndon sa mga fans niyang baba--"

Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Macky at tumakbo na ako paalis at hinanap ko na si Lyndon.

Bakit ba sa lahat ng babae si Harriet pa. Yung bestfriend ko pa. Yung mahal ko pa.

Ilang minuto rin akong naghanap at nakita ko si Harriet. Mag-isa lang siyang naka-upo sa sofa sa may gilid, mukhang hinhintay niya si Lyndon.

Hindi ko muna siya nilapitan. Hihintayin ko ang reaksyon niya kapag bumalik na si Lyndon. Medyo lumapit ako sa table nila at umupo sa likod nila.

Nanjan na si Lyndon may dalang wine at isang strawberry juice. Alam ni Lyndon ang paboritong flavor ni Harriet. Pero paano?

"Sexy Love, nainip ka ba?" tanong ni Lyndon kay Harriet. SEXY LOVE?? Bakit sexy love? bakit sila ba?

"Ok lang naman ako BABY LOVE!!" sagot ni Harriet.

BABY LOVE?? Sila nga! Wala na talaga ang bestfriend ko. Wala na talaga ang mahal ko.

Napansin kong tumutulo na ang luha ko habang nakikinig sa usapan nila. Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Akala ko hindi siya magkakaroon ng boyfriend. Akala ko talaga hihintayin niya na makagraduate siya ng college bago siya mag-boyfriend pero di niya tinupad nangako siya sa akin.

"Hi! brokenhearted ka din no?" tanong ng isang babae. Hindi ko siya masyadong naaninag dahil sa dilim at pati na rin sa luha sa mga mata ko.

"..."

Hindi ako sumagot. Ayoko ng may kausap sa mga oras na to. Ayokong may makasama ako ngayon.

"Alam mo brokenhearted din ako kasi yung fiancee ko may iba. May Sexy Love na siya."

Teka sexy love di kaya si..

Inayos ko yung mata ko at si..

"Mary?"

"Zach?" tanong niya.

"Oo, ako nga ito Mary!" nagulat ako sa nakita ko at mukhang siya din.

(A/N: Ayan.. para kayo ma excite kailangan niyong basahin lahat ng chapters nito para malaman niyo kung anong sunod na mangyayari. Hehehe..

BTW.. Don't forget to follow and vote huh..??

BABOOO..!!

He's My Guardian Devil [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon