Chapter 12

185 20 0
                                    

Venellope's POV

Papasok na ulit ako sa School kasi may debate pa kami ngayon kaya kailangang pumasok nang maaga para makapag ready. Magabda ang gising ko. Nakakain ka ng umagahan at sobrang thankful ka naman kasi malapit nang magtapos ang pahihirap mong mag-isip para sa debate pero, ang buhay talaga walang thrill kung walang sisira ng umaga mo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Lalo na tong mga ichuserang palakang mga 'to bigla ba naman akong bungguin habang naglalakad papapunta sa room. Porke ba junior lang ako at senior na sila gaganyanin na nila ako, 'wag nilang sabihin mukang gurangan na sila kasi 'pag ako napuno iuumpog ko sila sa pader.

Tumingin ako sa dala kong file case. Ayun ang laman, nilipad na sa kabilang bakod. Konting timpi nalang Harriet at lumaban ka na. Nadala ka na sa ospital dahil jan sa mga yan. LUMABAN KA!! Tama ipagtatanggol ko ang bandera ng bansa ng hikain.

"Wala kayong magawang matino 'no?" Sabi ko sa 'lider-lideran' nila.

Ngumiti naman siya nang mapang-asar. Nakita ko na naman ang mukha niya puro an-an, hadhad at lahat ng uri ng alipunga.

"Oh! What a nice surprise, lumalaban ka na pala ngayon? How do you think that?" Sabi niya habang naka-crossed arms pa. Sooner or later yang dila ng lintis na palakang yan ipipilit ko na sa leeg ng mga alipores niya.

"Ganon? Nakakasurpresa pala ang pagbabago ko? Sorry ha, di kita na-inform na ang dating binu-bully niyo ay nagtransform na. Saka napag isip-isip ko din kasi na medyo humahaba na yang sungay mo kaya dapat nang putulin" Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa! "Dahil hangga't di ko napuputol yan magiging kamukha mo si Hell Boy" Hinawakan ko yung buhok niya at sinubukang paigsiin. "See mas bagay sayo yung maigsing buhok, pero mas cute kung medyo kalbo yung peg. Pero may aaminin ako ha? Kasi narealize ko na kahit anong hair style ang gawin mo, mas cute pa din pala si Hell Boy kesa sayo mas pinaputi ka nga lang"

Napa-smirk yung mga lalaki sa likod ko. Ay madami palang nanunuod. Nilagpasan ko na sila kasi aalis na sana ako kaso biglang may humigit sa balikat ko. Harriet kalma lang! Mga palaka lang yan.

"Tama lang sa inyo yan!"

Humarap ako sa taong humawak sa balikat ko! EMEGESHH!! si Caroline Hobson Fabregas! Only daughter ng may ari ng school na pinapasukan ko ngayon. Ang anak ng may-ari ng Hobson University. Nako! Paktay na ako dito! Narinig ata ako? First time ko lang magtaray at magkaroon ng lakas ng loob lumaban sa sarili palpak pa! Tssk. Nasan ba naman kasi yang si Zach. Isusumbong ko siya kay mommy.

"Tama lang sa inyong tatlo na mapahiya. Dapat sa inyo madisiplina. Later you'll see" Tatlo? That means hindi ako yun? at kumampi sakin ang isang Caroline Fabregas? Sa isang weird na tao? Hindi halata sa kanya na mabait siya.

"Yaan mo na yang mga yan. Susumbong ko siya sa kuya ko." si Caroline

Yung kuya niya nga pala yung principal. At yun naman yung only son. Siya si Hans Kennedy Fabregas. Gwapo, matalino, matangkad, masipag, maputi kaso workaholic, medyo masungit. Nasa 25 palang yata siya.

"Nga pala I'm--"

"Caroline Hobson Fabregas" dugsong ko

"Yeah! How did you know?" Seryoso ba siya? Hello! sa school nila ako nag-aaral.

"He-he-he.. School niyo kasi 'to"

"Oh! nga pala. Hehe shunga ko no?" si Caroline

"Nagsasalita ka din pala ng mga ganung terms?" tanong ko

"Oo naman tao ako no!" sagot niya sa'kin sabay ngiti. Ahhh.. so cute

Naglakad-lakad kami papuntang garden. Hindi na kami pumasok ng tatlong periods. Pinagpaalam na daw niya 'ko sa kuya niya at pumayag naman daw ito.

-=-

Zach's POV

Sa'n na kaya yung babaeng yun? Tatlong klase siya na excuse. Saan naman kaya yun susuot?  Kala niya siguro galit pa din ako sa kanya. Kasi naman bakit hindi niya sinabing may boyfriend siya?! At anak ng tinapa sa Piccard pa yun napunta! Putakti naman ako, bakit ba kasi hindi siya lumaban ng patas?

Nabagot na ako sa kakahintay kaya sa Cafe Meow muna ako dumiretso para magpalamig.

"Tol, parang nakakapanibago si Vice? Ano kayang nangyayari sa kanya?"

Familiar yung boses parang si..

"Timothy, may puntos ka! Bakit nga?" si Tristan

Buong tropa magkakasama pero ako yung iniiwan nila sa ere. Tapos itatanong nila kung bakit ako nagbago? Para namang di nila ako kilala. Ayoko ng naargabyado ako miski si Harriet.

"Captain! Si Vice yun diba?" si Wacky

Tumingin naman sa direksyon ko si Lyndon. Humithit muna siya sa sigarilyo niyang hawak na parang may aagaw sa kanya. Bumalik na ang Lyndon na Captain ng team namin. Maangas, seryoso, masungit at higit sa lahat war freak.

-=-

READ

COMMENT

VOTE

FOLLOW

CIAO!!

LOVE,

Xena gerance a.k.a. POSHCHICME

He's My Guardian Devil [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon