Weather No. 18 *Begging You*

106K 1.1K 91
                                    

Author's Note: Ayan, nakagawa na ako ng POV na inire-request ng marami dahil miss nila si Alex. Kaya ito ang POV kasi nakapangako ako sa maraming readers na bibigyan ng moment ang SUNLEX. Sana kahit paano, sulit ang paghihintay niyo.

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 18                                             


 

 

((-Sunny's POV-))

"Eeeeeeeeeeeh..." *gulong* dapa* *kamot-ulo "Ihhhhhhhhh..."

"KYAAAAH!!~" Ikinawag-kawag ko ang paa at kamay sa ere. Ano ba kasi itong nararamdaman ko. Hmpf. Oh alam niyo na. Naging kami ni Cloud kanina. Matapos niyang magtapat, ayun. Feeling awkward ako. Para kasing...ahm..pano ko ba sasabihin.. Parang...hindi ako sanay na kami na talaga. Inihatid niya ako. Andito na ako sa bahay at nakahiga sa kama (kanina). Ngayon kasi, sa sobrang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko eh, gumulong na lang ako sa carpeted floor at pinampulbos ang nasagap kong dumi sa sahig.

Hawak ko ang contract namin. Hindi ko man lang nagawang punitin ito nung napa-oo ako. Hmm. Punitin ko na kaya? Habang tinititigan ko iyon may umalingawngaw na linya sa isip ko.

"Anica Jean Flores, you're officially mine."

 

"WAAAAAAAAH!!!! Ano ba! Ayan na naman, ano ba itong pakiramdam na 'to?!" Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Psh. Lokong heartbeat 'yan oh. Bakit nagkaroon ng sound na Cloud. Diba dapat *dug *dug *dug lang?? Hindi kaya... "May nararamdaman akong churvachenez sa kanya?"

Napabangon akong bigla sa sahig at tumayo. Pagtayo ko...

O_____O  "AAAAAH!! MUMU!!!" Agad na napayakap ako sa unan sa ibabaw ng kama. A-Ano yung nakita ko sa salamin?

*gulp

Lumakad ako ng nanginginig palapit ng salamin. Nang nasa harap na ako nito, nakita ko ulit ang mumu!! Tatakbo pa sana ako ulit kaya lang napansin kong parehas kami nung suot nung mumung mukhang bruha at nakatapal ang buhok sa mukha.

WAPAK! Shongangot~ reflection ko pala ang nakita ko. Tss. Ampanget ko naman!

Naisip ko lang, bakit hindi ko subukang magpaganda? Sa school, lahat sila maganda at presentable. Ako lang ata ang ragid manamit at pumorma doon eh. Kung magsuot na kaya ako ng mga damit na katulad nung mga binili ni Cloud? Yung pambabae masyado?

Siguro nga, time ko na mag-ayos ng sarili ko. Pinagpagan ko ang katawan ko. I straightened myself and comb my hair. Binuksan ko ang cabinet ni mama at hinanap ang mga kolorete niya sa mukha. ~Wushing! I'm going to transform again pero ito na talaga. Papanatilihin ko na ang transformation kong ito at hindi pang one-shot lang. Mehehe.

Balak ko na sanang simulan ang pag-aayos ko nang bumaling ang tingin ko sa contract paper na nasa sahig. Pinulot ko iyon. "Oo nga pala, pupunitin na kita."

Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa likod-bahay dala ang isang posporo. Iniangat ko ang contract paper. Sinindihan ko ang posporo. Goodbye contract paper. Natatawa ako. Dadalawang rules lang ang nakasulat oh. Akala ko madadagdagan pa namin ito pero hindi na pala. Tinitigan ko ang contract at unti-unting inilapit ang apoy ng posporo dito. Masusunog na sana kaso biglang nagring yung celphone ko. Nabitawan ko tuloy yung posporo at basta ko nalang isinuksok sa bulsa ko yung contract.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon