[TCK 1]* -- Let's START Ü

73K 964 148
                                    

"TUNGSTEN IRON CORPUZ" sabi nung isang babaeng mas maikli pa ang skirt sa shorts n'ya.

"Ahh! Si Tungsten my baby loves! Alam mo ba, naging kami for 3 hours!" sabi ni girl na pumuputok sa red yung labi.

Napataas naman ng kilay si blonde haired girl as she says, "Hayyy. Is that what all you got? Ano ba yan! How pityful cos Tungsten and I?Naging kami for 5hours!"

Si ate girl naman with her high heels on, pasmirk-smirk lang. Ah, alam na! May ipagyayabang din 'to, "Oh come on girls. Stop dreaming, cos Tungsten and I? We've been together lang naman for 24hours." sabi niya with full confidence.

Gulat na gulat silang lahat.

"24 HOURS?!" the girls na kanina pang nagyayabangan said in chorus.

"Wow, girl, ano namang ginawa n'yo for 24 hours?" manghang manghang tanong ni girl with her red lips on.

"Uh, ano nga ba? Well, all I can say is, Tungsten is a very good kisser!"

Napatakip ng labi si blonde haired girl. Si ate naman na may red lips bigla na lang nagcollapse. Yung iba namang mga babaeng nakikinig sa usapan nila mukhang amaze na amaze.

OA ba? Well, kung pakakaisipin mo, oo, ang OA nila but what you've just heard were all true.

Araw araw na lang, ganyan ang napapakinggan ko sa corridor namin.

Wala namang Chemistry pero puro Tungsten, Tungsten, Tungsten!

Like Tungsten is a very good kisser, Tungsten is hot and Tungsten is everything.

Pag di ka naman naumay! He's the talk of town. Sino ba kasi yang Tungsten na yan?

Sa araw-araw na ginawa ng panginoon, palagi ko na lang naririnig ang pangalan na 'yan!

"Tungsten is a slut!" sabi ko--wait. Did I just say it out loud?

Napatingin ako sa paligid ko and all these girls are glaring at me.

"Miss, what did you just say?!" taas kilay na tanong sa akin ni girl na may blonde hair.

Napalunok ako. Maya maya pa isa isa na silang lumapit sa akin.

"WHAT DID YOU JUST SAY?!" sabay sabay nilang tanong sa akin at pinalibutan ako.

I never felt this intense before! Dad pick me up, I'm in trouble.

That Tungsten guy! Second week ng college life ko, mapapaaway pa ata ako.

Kung sino ka mang Tungsten ka, wag kang magpapakita sa'kin!

"Ah, w-wala" pagmamaang maangan ko. Wala naman talaga akong ginawa Hello?! Article III: Bill of Rights, Section 4: Freedom of speech/expression.

Imagine me winking. Natutunan ko 'yan kay Dad cos he's a well-known lawyer!

"Anong wala miss, HINDI KAMI BINGI! TINAWAG MONG SLUT ang pinakamamahal naming si TUNGSTEN!" bulyaw sa akin ni ate girl na may maikling skirt.

"W-wala nga akong sinabi e!" pagtanggi ko sa kanila. Mukhang triggered na triggered sila.

"Hindi mo kilala si Tungsten, my baby loves kaya wag na wag mo s'yang sasabihang slut! Mapagmahal lang talaga ang aming casanova prince!" sabi ni girl na mamutok mutok sa pula yung labi.

Casanova what? Prince? Hello?! Walang prince sa Pilipinas!

Democratic type of Government tayo, hindi Monarchy!

Ayan, umiiral na naman ang mga natutunan ko kay Dad.

"Hey, anong nangyayari dito?"

Muling napataas ang kilay ni ate girl. Umalis sila pagkakapalibot sa akin at hinarap yung nagsalita.

THE CASANOVA KNIGHT [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon