TCK Special Chapter 2: Ang Grocery with Tungsten

10K 177 11
                                    





Tungsten's POV

"Tungsten, ito yung listahan ng mga bibilhin mo. Don't forget yung diaper ni Krypton ha! Medium 'yon, nasa pinakauna para di mo makalimutan! Magkaiba ang DIAPER sa NAPKIN." sabi sa'kin ni Tiffany ko. Agang aga, hyper na naman siya. Ganda talaga ng asawa ko!

"Got it Tiffany ko!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"At isa pa! Wag kang magpacute sa kahera at sa mga sales lady para makakuha ka ng discount. Hindi mo ba alam? Nagsara yung isang grocery store sa isang mall nang dahil sa'yo at sa pagpapacute mo! Nalugi sila at di na nakabangon!" dagdag pa niya.

"Got it Tiffany ko!" sabi ko ulit sa kanya.

"Puro ka got it! Naintindihan mo naman nga ba talaga?!" tanong pa niya.

"Got it Tiffany ko!" ngingiti-ngiti pa rin ako, ang ganda talaga ng asawa ko.

"Haay Tungsten Iron. Siya alis na nang makabalik ka ng maaga!" sabi pa niya at itinulak ako palabas ng bahay.

Umalis na rin ako at dumiretso sa pinakamalapit na grocery store.

Papasok pa lang ako ay tinginan na agad ang mga staff sa akin. Ang hirap talaga ng gwapo. HAHAHA *HANDSOME LAUGH*

Kumuha na ako ng push cart at saka ko siya ipinush. Naalala ko tuloy yung isang kanta ni Vice Ganda na favorite na favorite ko naman talaga. Yung, Push mo yan Teh!

Kinuha ko ang iphone6 plus 7 times 2 to the eight power ko. Isinaksak ko ang aking earphones sa pasakan ng sounds nito at pinatugtog ko ang favorite song ko. "PUSH MO YAN TEH. PUSH MO YAN TEH. PUSH MO YAN TEH EH EH EH EH." Nakarepeat 1 lang yung kanta. Party party ako!

Nagsimula na akong mag grocery. Teka, asan ba yung listahan ko?

Kinapa ko sa bulsa ko ang listahan na ginawa ni Tiffany ko ngunit wala ito doon.

Hala! Baka nalaglag noong kinuha ko ang iphone 6 plus 7 times 2 to the 8th power ko! O____O

Tumingin ako sa paligid at nakita kong hawak ito ng isang batang kalbo, katabi niya ang tatlo pang batang kalbo. Magkakakambal ata. Para tuloy silang ninja turtles! XD

Siguro kaedad sila ni Krypton. (3 years old si Krypton at this time, and the mere fact is nakaDiaper pa rin siya.)

"Hi bibi. Give that to kuya pogi." Aamo among sabi ko sa batang pagong ngunit sa halip na ibigay niya ang grocery list ko ay binelatan niya ako.

Ang cute naman! Dumidilang pagong! *O*

"Ayoko nga. Di ka naman pogi e! Pwet ka lang ng daddy ko!" sabi niya sa akin. Aba't! Salbahe 'tong pagong na 'to ah!

Nakita ko naman ang daddy ata niya, malaki ang katawan, at kalbo din ito. Nagspark ang aking mata. Kuminang ang ulo nito. May bigla akong naalala. Yung favorite kong cartoon noong bata ako! Dragon Ball Z! Tandang tanda ko dati, gusto kong maging super sayan at mangolekta ng dragon ball para mapalabas ko yung pangit na dragon na kamukha ng lolo kong si Iron! Nagpakulay pa nga akong buhok nun e, dilaw! Pero sa halip na magmukha akong sayan, nagmukha raw akong sisiw! Yun ang sabi ni Daddy.

At bago pa ako tuluyang mag day dream ay bumalik na rin ang diwa ko.

Rinig ko ang panganganchaw nilang apat, "Mukhang puwet ni Daddy! Mukhang puwet ni Daddy!" sabi ng mga ito sa akin habang pinagpapasahan yung listahan ko ng grocery.

"Ang gwapo naman pala ng pwet ng daddy niyo sana naging pwet na lang siya." Pang-aasar ko sa kanila.

Mukha naman silang nagalit at unti-unting lumapit sa akin.

THE CASANOVA KNIGHT [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon