CHRISTMAS SPECIAL - ANG PASKO SA SIMBAHAN WITH TUNGSTEN

11.4K 224 53
                                    

Tungsten's POV



Nandito kami sa simbahan ngayon, kasama ko ang Tiffany ko pati na si Baby Krypton.

Inaantok ako, kasi naman, ang aga magsimba, 5:30 ng umaga.

Christmas na kaya naman maaga kami!

Kasama din namin ang pamilya Corpuz.

Inaantok pa ako, gusto ko pang matulog kaya naman pipikit pikit ako.

"Hoy Tungsten Iron! Gumising ka nga, nakakahiya" saway sakin ni Tiffany ko nung pipikit pikit na ang mata ko.

Tiningnan ko siya saka ko inirapan.

BAKIT BA?! =,=

Sa inaantok yung gwapo e!

Anong nakakahiya dun? Hindi naman ako hubo! Mas nakakahiya kung hubo ako!



Inaantok na talaga ako, kailangan kong makagawa ng paraan!

Paano ba kasi matulog sa simbahan ng walang nakakapansin?!



Naghohomily na yung pari, lalo akong inantok.

"Lord, sorry po"

Umipod ako ng konti papalapit kay Tiffany ko.

Hinilig ko yung ulo ko sa kanya.

"Hoy, ano yang ginagawa mo? Bumangon ka nga!" saway niya

"Ano ba Tiffany ko, gan'to muna tayo para sweet!" ipinatong ko ulo ko sa balikat niya, kunwari sweet. gusto ko lang talagang matulog. HAHAHAHAHAHAHA. *HANDSOME LAUGH*

"SWEET MO YOUR FACE!" at hinampas niya yung ulo ko

"Araaaaay!" napasigaw ako

Nagtinginan sakin lahat.

Pssssssh

"Sorry po"



Umipod na lang ako papalayo kay Tiffany ko.



Paano ba kasi magandang diskarte?

Asaaaaar naman e.

Umpiod lang ako ng umipod.

Tutal nasa may dulo naman ako, dun na lang ako hihilig sa dulo ng upuan.

Pumwesto na ako, siguro naman wala ng makakapansin sa akin.



THIS IS IT! Makakatulog na ako!!!

Nakapuwesto na ako at tutulog na dapat ako kaso..

"Hijo, maari bang makiupo?" may isang matandang dumating, pinapaipod ako.

SYEMAAAAAY!

Umipod na lang ako.

=___________=



ASAR.



Naghohomily pa din ang pari, inaantok na talaga ako.



"Tungsten, gumising ka nga... Yang ulo mo, yuyugyog yugyog" at kinurit ako ng TIffany ko.



"ARAAAAAAY!' napasigaw na ulit ako.

Tininginan ulit sila.



"Sorry po" sabi ko na lang. Kaasar!!!! (>O<)



At natapos yung paghohomily ng pari na aantok antok ako.



Pinapaluhod naman ang lahat.





*Brain Processing*



*Now loading*







"AHHHHH! ALAM KO NA!" sabi ko sa sarili ko.



"Magsiluhod po ang lahat"



Lumuhod na ang lahat, naguguna ako.



Pumwesto na ako, nilagay ko yung kamay ko sa may mukha ko, THIS IS IT!

"Hoy Tungsten, alam ko yang binabalak mo!" bulong na pasigaw sakin ng Tiffany ko



"SINONG MAY SABI SA'YONG MATUTULOG AKO?!" napasigaw na ulit ako





Tinginan na ulit lahat pati yung pari, halatang asar na asar na.





NAMAN!



"Bahala ka nga" sabi ni Tiffany ko.





"Sorry po!!!"







at tumayo na ang lahat.



"Wag ka kasing matulog, hello? Nasa simbahan po tayo" at inirapan ako ng TIffany ko





Pinilit kong mumulat pero inaantok talaga ako.



Hanggang sa nangomuniyon na.



Nagsubuan na ng ostiya at...



Lumuhod na ulit.



Pumikit na ako at nagdasal.



Wala naman akong balak matulog pero...

















"Hijo, hijo" may tumapik sa akin, naalimpungatan ako.



"Ho???" tanong ko dun sa matanda.



"Hijo, magsasara na ang kapilya" sabi nung matanda

Tumingin ako sa palagid ko, nasa simbahan pa din ako pero madilim na.

Teka? Madaling araw pa din?

Pero bakit wala na ang Tiffany ko?



"Hijo, gabi na. 8pm na" sabi nung lalaki.



Napabalikwas ako.





"MERRY CHRISTMAS HIJO, UWI NA" at ipinagtabuyan na ako nung matanda.







"GRRRRR! TIFFANY KO!!!! (>O<)"

THE CASANOVA KNIGHT [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon