Chapter 1: Love Mirror

431 10 0
                                    

Trend ba talaga ngayon ang short time relationship? Pagiging broken hearted na ba ang in ngayon? Wala ba akong karapatang lumigaya?

"Julia, okay lang yan"

"Oh. Oo naman. Wala lang 'to. Sanay na ako." Sagot ko kay Tinay, ang bestfriend ko.

Totoo naman, sana na ako. Sanay na akong paglaruan, iwanan, at lokohin ng mga lalaki. Tinalo ko pa nga ata si Taylor Swift sa dami ng lalaking nanloko sa akin. Ngayong araw na 'to nga, nakipagbreak sa akin ang 2 months ko pa lang na boyfriend na si Angelo. For two months, akala ko masaya s'ya sa akin, na okay sa kanya ang sweetness ko, yung araw-araw kami nagkikita, na nacucutan s'ya sa pagseselos ko. Tapos all of a sudden, nakipagbreak s'ya dahil napakaclingy ko daw at napakaselosa! Aba, sabi n'ya gusto n'ya! Nung una okay lang, tapos ngayon nakipagbreak s'ya! Grabe!

"Sabi ko naman kasi sa'yo. Ipahinga mo muna yang puso mo. Hindi naman masama kung mawalan ka ng boyfriend pamansantala." Pangaral n'ya sa akin.

Napataas lang ako ng kilay sa kanya. Ang lakas manermon nitong si Tinay, eh never namang nagkaroon ng boyfriend 'tong babaeng 'to. Ang hilig pa magbigay ng love advice, akala mo ang daming experience. Napangiti at napailing na lang ako sa kanya. Hay grabe! Kahit na isipin kong hindi dapat masaktan, hindi ko maiwasan.

"Ang sakit." Hindi ko mapigilan maluha. "Grabe, akala ko s'ya na kasi ang forever ko. Ayun pala, isa na namang maling akala."

"Ano ba yan Julia. Akala mo naman 1st heart break mo yan, di ka pa ba manhid?" kahit ganyan magsalita si Tinay, kitang kita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Dapat manhid na ako eh." Pinilit kong humalakhak pero naiiyak talaga ako.

"Shhh. Tama na yan Julia." Sabi ni Tinay kasabay ang mahigpit na yakap.

"Sige, mula sa araw na ito, magfofocus na ako sa sarili ko. Papagandahin ko pa lalo ang sarili ko, magpapasexy, mag-aayos. At lahat ng lalaking nagpaiyak sa akin, tandaan n'yo pagsisisihan n'yo ang pang-iiwan ninyo sa akin. Humanda kayo!

**

Isa siguro sa advantages ng sanay ng maiwan eh yung mabilis na pagmomove on. Oh well, siguro dito ako expert, ang mabilisang pagtanggap na iniwan na naman ako. Binibigyan ko lang kasi ang sarili ko ng bente-kwatro oras para umiyak sa isang lalaki. Pagkatapos nun, aba dapat balik na sa pagiging charming at happy. Iniwanan na nga ako ng lalaki, papabayaan ko pa ba ang sarili kong pumanget. Isa naman sa disadvantages ng bagong kakabreak lang ang maging sensitive sa paligid. Dati naman wala akong nakikitang mga couples na holding hands while walking, pero ngayon para ba silang mga gremlins na nagsusulputan sa harap ko. Nakakairita, para bang nang-aasar sila sa harap ko.

"Mga buset, mag hihiwalay din kayo! Iiyak din kayo at masasaktan tulad ko.", sigaw ng isip ko.

Hay! Ano ba ito Julia, napaka bitter mo! Pero di ko mapigilan na maiyamot sa mga nakikita kong couples habang naglalakad ako. Kung sweswertehin ka nga naman, may makikita ka pang mas nakakayamot na pangyayari. Sa dinamidaming tao na pwedeng makita dito sa Quiapo, talagang si Loraine pa ang makikita ko.

"Hi Julia! Long time no see" bati sa akin ni Loraine, as if naman gusto ko syang makita.

"Oo nga eh. Akala ko forever ko ng hindi makikita yang makapal mong pagmumukha."

"Hay Julia, until now ba hindi ka pa rin nakakamove on? It's not my fault kung iniwanan ka ni Xander at ako ang pinili n'ya"

Hindi naman ikaw sinisisi ko eh, kundi ang kalandian mo! Hiyaw ng isip ko.

"And also, mag twotwo years na kami ni Xander. Kayo ba? Ni hindi nga kayo umabot ng isang buwan, hindi ba?" kitang kita sa mukha ni Loraine na sinasadya n'ya akong inisin.

Love & SpellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon