Eleventh Tale: Complicated

151 10 0
                                    

Eleventh Tale: Complicated

Pangit man ang gising ko, gwapo pa rin ako.

"Ang gwapo ko namang puyat!" Puri ko sa sarili ko pagkakita sa double-layer kong eyebags.

"Hey Perry, breakfast ready." Sabi ni Mommy sa 'kin. Tsk! Ang hilig nya sa rhyming words.

"Sunod na ako Mom."

"May problema ba anak? Mukhang 'di ka pinatulog ng mabuti ng problemang yan ah." Pang aasar pa ni Mommy sabay turo sa eyebags ko.

"Love Mom. A complicated one." I told her.

"Love? Complicated love?" Ani Mommy at ngumiti. "Love is not complicated Perry, it is us people who make it complicated." Dagdag pa ni Mom.

"What should I do then?" I ask her.

"Eat your breakfast first and you'll know later what you should do." Sabi pa ni Mommy at tumatawa kaming dalawa pababa for breakfast.

Ano nga kaya ang dapat kong gawin? Tama, sundin ko na lang ang sinabi kanina ni Dad. Ang pag amin.

Nakakaba.

"Walking dead ah!" Sabi ni Robert ng makasabay ko sya papasok ng school gate at tumawa mag isa. Baliw lang. Epal pa! Tsk!

"Perry! Tulooong~" Sabi ni Cloud sabay tago sa likod ko.

"Leche ka talagang ulap ka! Hayop!" Galit na sabi ni Elena.

"Easy. Ano ba problema?" Tanong ko sa dalawa.

"Yang kasing kaibigan mo, nakakadiri~" Elena

"Ha? Bakit?" Tanong ko ulit.

"He stole my first kiss! Hoy Ulaaaap~ Bumalik ka dito!" Habol ni Elena sa tumakbong palayo na si Cloud.

Hahaha! Now I know. The more you hate, the more you love. Kunwari pa silang may world war ||| eh. Sa simbahan din for sure ang diretso ng dalawang yun.

Leche! Mukhang napag iiwanan na ako ah. Si Gabby may Jea na, itong si Cloud naman ay kahit sabihin pa nating away-bati sila ni Elena eh for sure magiging sila din nyan. Tapos ako? Forever alone.

"Seniors! Diretso na kayo sa school's auditorium!" Paulit ulit na sabi ng school's speaker.

Oo nga pala. Ngayon na ang start ng graduation practice.

"Seniors! Umayos naman kayo! Aba gusto nyo bang grumaduate? Ha? Sige, ulit sa umpisa!" Galit na sabi ni Ma'am Aviles na syang naatasan sa grad. practice.

Ten-tenenenen-tenenenen-tenen-tenen~

Ten-tenenenen-tenenenen-tenen-tenen

Naka-sampung ulit ata kaming mag practice hanggang sa ma-perfect namin. Leche! Two weeks from now graduation na. At heto pa rin ako..

Hanggan tingin na lang.

Perry Tale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon